Chapter 65: Pretending That It's Okay To Me

5.4K 161 26
                                    

Preii's POV
Umalis na ako sa harapan ni Phoebe at naglakad lakad, di naman ako pwedeng bumalik sa classroom dahil hindi pa tapos yung Science teacher namin magturo. Tsk, may tiwala ako kay Rex, mahal niya ako, mahal ko siya. Hindi kami naglolokohan.

Mahaba haba pa naman ang araw bago mag 1 week, kaya hindi agad sila magkakasama.

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Rex na kausap siya ng tatay ni Phoebe at ng nanay niya. Agad akong lumiko at bumalik sa dinaanan ko, pero nahuli na ako ni Rex kaya tumakbo na siya papalapit sakin.

"Mahal!" Sigaw niya at nakalapit sakin

No choice ako, I need to pretend that it's okay to me, I need to pretend that I'm okay. Para naman to sa future ni Rex dahil siya ang magpapatakbo ng AU.

Humarap naman ako sa kanya.

"Oh, mahal! Bakit?" Pagtatanong ko

"Umagree na si mama na magkakaroon kami ng shares sa business nila, sa Monday na yon, kaso ayoko ng gawin dahil alam kong ayaw mo kong nakikitang kasama ko si Phoebe." Sabi niya

Kita mo sa mukha niya ang lungkot dahil gusto niya talaga ang maging owner ng AU pero sadyang ayaw nalang niya ituloy dahil inaalala niya ako.

Nakaramdam naman ako ng inis sa sarili ko dahil kung hindi ko nilabas yung nararamdaman ko nung isang araw, hindi mangyayari to.

"Rex, naiintindihan ko na lahat, wag ka ng mag alala, hindi na ako magagalit pa dahil may tiwala ako sayo. Alam ko namang mahal na mahal mo ako, ituloy mo nalang yung pinapagawa ng mama mo sayo." Sabi ko

May kaonting sakit sa puso ko pero alam ko ito ang tama, sadyang binabagabag lang ako ng mga iniisip ko.

"Pero, Preii---" Hindi ko na siya pinatapos ng hawakan ko siya sa magkabilang balikat

"Okay lang ako, Rex ha? Ikaw ang magiging future owner ng kompanya niyo, para sayo naman yon eh, kaya gusto ko rin na ituloy mo." Sabi ko

"Salamat, Preii." Nakangiting sabi niya at niyakap ako ng mahigpit

Namiss ko ang mga yakap niya dahil nagkaaway kami ng mga nakaraang araw, matagal man yung yakap niya sakin hindi ako umangal, hindi ako umalis, pero may nakakapagbagabag sakin, napatingin ako kung nasaan yung mama ni Rex, nakatingin siya sa amin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya kaya ako na mismo ang umalis sa yakap ni Rex.

"Sige, Rex. Babalik na ako sa klase ko ah, mukhang kailangan niyo pa mag usap ng mama mo." Pilit ngiting sabi ko at napapatingin sa mama niya

"Sige, mahal. Ingat ka ah, baka hindi kita mahatid mamayang gabi kasi may meeting lahat ng staff ng AU, kasama na rin ako." Sabi niya sabay hinalikan ako sa noo

Di ko maiwasang mapatingin sa mama niya dahil hanggang ngayon ay nakatingin parin siya sa akin.

Tumakbo na si Rex papunta sa mama niya, nawala na rin ang tingin ng mama niya sakin at nagsimula na silang lumakad palayo sa akin, kumaway pa nga si Rex ng pamamaalam.

Naglakad na ako pabalik sa classroom at nakita kong wala na yung Science teacher namin.

"Preii, ano bang nangyari sayo?" Pagtatanong ni Yanna dahil sa inasal ko kanina

"Bad mood lang ako kanina, sorry ah, hindi ko napigilan eh." Sabi ko at umupo sa bangko ko

Lumipas ang oras, kasama ko sila Yanna na maglunch, sinama na rin namin sila Shany, hindi ko kasabay ngayon si Rex, kahit matagal magreply si Rex sa mga message ko sa kanya atlis nagtetext siya kaya napapangiti ako dahil kahit mahirap makipagtext ay nagagawa parin niyang magreply.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon