Chapter 36: Say Goodbye Part 2

5.6K 244 14
                                    

                  

Chapter 36: Say Goodbye Part 2

"ROLLER COASTER?!!!" Sigaw ko sa kanya

"Aha, at sasama ka sa akin." Sabi niya sabay hawak sa pulso ko pero binawi ko agad yon at naglakad na paalis

"Preii! Pumunta ka dito!" Sabi niya at hinila ako pabalik sa roller coaster na yon

"Ihh, ayoko Kevin. Natatakot ako." Sabi ko at kumawala sa hawak niya kaso hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya

"Pano mo nasabing nakakatakot? Ni hindi ka pa nga nakakasakay diyan eh. Try mo lang, wala namang mawawala." Sabi niya

"May mawawala, yung buhay ko! Pano kapag nalaglag ako diyan?! Buong buhay ko hindi pa ako sumasakay sa roller coaster na yan, ngayon pa kaya?! Ayoko Kevin, ayoko!" Sigaw ko sa kanya at kumawala

Habang naglalakad ako paalis, nagsalita siya dahilan para mapatigil ako.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Pagtatanong niya habang nakatalikod ako sa kanya

Huminga ako ng malalim, at pumikit ng mariin, humarap naman ako sa kanya.

"May tiwala ako sayo, kaso---"

"Ang sabihin mo, wala. Kasi Preii, kung may tiwala ka sa isang tao, wala ng dahilan yon." Sabi niya at tumingin sa ibang direksiyon

Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya. Buong buhay ko, hindi pa ako sumasakay diyan. Pero bakit parang may nagsasabi sa akin na samahan ko siya dahil ayoko siyang nakikitang nalulungkot at nasasaktan. Ang gulo.

Maglalakad na sana siya paalis ng pigilan ko siya.

"Sige na, Kevin. Sasama na ako. Magtatampo ka pa eh." Sabi ko sa kanya atsaka ngumiti

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Salamat talaga, Preii. Halika na." Sabi niya sa akin sabay hatak papasok

Well, matagal pa bago umandar. Pinupuno pa eh. Hayst, sana nga wag ng umandar.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin ng nakangiti

Mukhang tuwang-tuwa siya dahil kasama niya ako dito sa FAVORITE daw niyang ride. Gosh, favorite niya pala to. Eh si Rex? Ano kaya?

TEKA! Bakit ko iniisip yung walanghiyang lalaking yon? Gosh, tae! Dahil 'to sa kabang nararamdaman ko ngayon eh.

"Ay, oo naman." Sabi ko at ngumiti

Syempre yung ngiti ko pilit. Takte, itsura palang ng roller coaster nakakatakot na eh. Huhuhu, Lord tulungan mo ako! Nakakatakot!!! 3 loops ba naman ang dadaanan namin. Tapos may parte na may pinakamataas tapos alam ko hihinto doon ng matagal, tapos dahan-dahang bababa onti tapos mabilis na diretso na! Waaah! Tulungan niyo po ako Panginoon! Pero readers, nagegets niyo ba yung sinasabi ko? Kung hindi, waaah wala na akong pake! Wala na sa oras ko ang magexplain pa ng napakahaba-haba, kabang-kaba na nga ako eh!

"Asus! Kita sa mga mata mo na hindi. Sorry ah. Napilit ata kita. Pwede ka naman ng bumaba na, habang di pa umaandar." Sabi niya

Huli na naming pagkikita ito, sabi niya. Pero di ko alam kung saan siya pupunta. Baka mamaya, mamamalengke lang pala to ah! Kokotongan ko to, tsk!

"Hi-hindi na, sasamahan na kita. Gusto ko rin namang matry eh." Sabi ko

"Salamat ah." Sabi niya at ngumiti sa akin

Tumingin naman ako sa ibang direksiyon ng biglang may nilagay siya sa tenga ko.

"Oh, ayan. Para di ka kabahan. Pang relaks yan." Sabi niya

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon