Chapter 52:Encountered by Jairon

6.2K 214 32
                                    

Chapter 52: Encountered by Jairon
Preii's POV
Nasa AU kami ngayon, Friday na ngayon kaya naka-jogging pants kami ngayon. Si Zhyrah lang ang hindi, transferee siya eh. Di pa siya nakakabili ng uniforms.

"Zhyrah, don't worry. Papaheramin na lang kita ng uniform, nasa locker ko eh." Sabi ko

"Okay lang." Sabi niya at ngumiti ng kaonti

"Pero pag nagbago yang isip mo, kuhanin mo nalang." Sabi ko sa kanya at binigay ang duplicate key ng locker ko

Tinanguan lang niya ako atsaka pumasok na kami sa classroom.

"Punta lang akong library, ibibigay ko lang tong file na kailangan makuha ng disciplinarian." Sabi niya

"Samahan na ki---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla na siyang umalis ng classroom

"Mukhang di na niya kailangan ng kasama." Sabi ni Lian

Zhyrah's POV
Naglalakad ako papuntang D.O, ibibigay ko yung file na naglalaman ng tungkol sakin. Kung saan ako nag-aral, nakatira, etc.

*knock knock*

"Come in."

Pumasok naman ako.

"Oh, Ms. Collins, take your seat." Pag aaya niya sa bangko na nasa harapan niya

Binigay ko naman na sa kanya yung file na nasa folder.

"Okay, thank you." Sabi niya atsaka ako umalis ng office

Pagkatapos kong mabigay ay pumunta ako sa locker ni Preii. Wala akong ibang choice kundi suotin na lang to. Hindi ako makakasama sa P.E activities nang nakapantalon.

-classroom-

"Class, lahat kayo pumunta sa basketball court at magbabasketball tayo." Sabi ni Sir Ulanday

"Sir?! Pati kami?!" Tanong naman ng isang maarteng babaeng kaklase ko

"Oo. Is there a problem, Ms. Concha?" Pagtatanong ni Sir Ulanday

"But sir! Panlalaki lang yun!" - Girl 2

"No buts girls, this is your grade." Sabi ni Sir at lumabas na ng classroom

Wala silang choice, kundi sumunod kay Sir Ulanday sa court. Ang basketball ay para rin sa babae, hindi lahat ng kaya ng mga lalaki ay hindi kaya ng mga babae, tandaan mas maraming kayang gawin ang mga babae kaysa sa mga kaya ng lalaki.

Naglalakad kami papuntang court at yung mga kaklase kong babae, ang iingay.

"Ohmygosh girl! It's eww. This is not my thing, God!"
"Yah, you're right Valerie. Sir Ulanday is so argghh!"
"Mygoodness! I'll be smell sucks!"

Kaarte arte. Tss.

"Preii, marunong ka ba sa paglalaro ng basketball?" Pagtatanong ni Shany

"Medyo lang." Sabi niya atsaka ngumiti

Nang makapunta na kami sa court, nakita namin sa isang hall na nandoon yung mga lalaking kaklase namin at ang taga-ibang seksiyon. Sabay na maglalaro pero girls to girls and boys to boys.

"Okay class, I'll divide you into two groups. And I'll be the one who choose what your group, so listen." Sabi ni Sir

Nakikinig lang kaming lahat at sa dulo ay kagrupo ko sila Preii at Shany.

Ang piniling ilabas sa first five ay sila Preii, Ali, Yanna, Rose at Lian. Sa second quarter kami lalabas ni Shany.

Yanna's POV
Nagsimula na ang laro namin. Kaming lima nila Preii ang unang sumalang habang nakaupo naman si Shany at Zhyrah. May alam naman ako sa basketball pero hindi ko alam kung paano.

Ang gulo ng laban namin parang agawang buko na nga ang nilalaro namin dahil puro travelling pero pumayag na Sir dahil babae naman daw kami.

Natapos ang first quarter. Hanggang second quarter lang ang amin. Patuloy parin sila Ali, Lian at Preii sa second quarter, habang kami ni Rose ay pinalitan na nila Shany at Zhyrah.

Magaling ba maglaro ng basketball si Shany? Eh kasi parang hindi bagay sa kanya, girly siya kung kumilos at mahinhin, tapos etong si Zhyrah ang taba taba, makatakbo pa kaya to?

Nagstart na ang second quarter at namangha ako sa nakita ko. Si Shany at Zhyrah ang ganda ng laro, ang ganda ng team work nila parang ang tagal na nilang naglalarong magkasama. Pinag-usapan kaya nila yun kanina kaya buong quarter silang hindi pumasok kanina?

Hindi sila nagtatravelling. Si Zhyrah ang 3 point shooter at si Shany naman ang madalas na nasa loob. Di ko mapaliwanag ang ginagawa nila. Pinapasahan pa rin nila sina Preii pero binabalik din naman agad nila Preii kina Shany.

Kakaiba, ang galing nila. Akalain mong si Shany ay magaling pala dito? At sa taba ni Zhyrah ay nagagawa niyang tumakbo, ang galing nila.

Zhyrah's POV
Natapos ang basketball girls at ang team namin ang nanalo. Tambak ang kabilang grupo simula palang, pano ba naman puro nadadapa, natatapilok at puro tili.

"Ouch my leg!"

Tss. Kaya ayon, puro sub ang nangyayari.

Nauna ng umalis sila Preii dahil kinausap pa ako ni Sir Ulanday tungkol sa paglalaro ko. Na bat daw ako ganon kumilos, pang lalaki daw ang laro namin ni Shany. Si Shany din ay kinausap pero agad na siyang umakyat dahil tapos na siyang magshower.

Pagkatapos ko magshower ay nagbihis muna ako atsaka nag-ayos ng gamit. May mga tao pa naman sa court dahil may naririnig pa akong ingay.

Wala akong pake sa kanila, kaya naglakad na ako palabas ng locker room, paglabas ko nakita ko ang court at nandoon yung mga lalaking nangharang sakin sa AU, tss. Bago pa man ako makalabas ng court ay may narinig akong nagsalita. Bago saking pandinig.

"Sus, wala namang binatbat yan sakin eh. Tignan mo tong bolang to, sapol yan sakin!" Natatawang sabi ng isang lalaking bago saking paningin

Nakatalikod man ako pero alam ko kung sino yung mga nagasalita. Naramdaman kong may bolang paparating sa direksiyon ko kaya agad akong yumuko at sinadyang ayusin yung tali sa rubber shoes ko.

Tumalbog yung bola sa harap ko at napangisi ako. Hmp, tanga.

Kinuha ko ng dahan dahan yung bola at simpleng binato pabalik yung bola sa pinanggalingan nito. Pero walang nakapansin sa pagbato ko.

"Jairon!!!" Rinig kong sigaw ng mga kasama niya

Di ko akalain na ikatutumba niya yon, agad naman akong umalis ng court at nakita ko pa si Jairon na galit na nakatingin sakin.

Bumalik na ako sa classroom atsaka nagklase. Nagbreak muna, at niyayaya ako nila Preii.

"Zhy, tara?" Pagtatanong ni Preii

"Hindi na, kayo nalang." Sabi ko at ngumiti ng tipid

Pagkaalis nila ay pumunta ako sa garden ng AU, para makapagpahinga, makapagpahangin.

Nakapikit lang ako habang nagpapahinga ng may maramdaman akong masamang hangin. Tss. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko sa harapan yung lalaking nangbato sakin ng bola na siya namang tinamaan, na si Jairon.

Tinignan ko naman siya.

"Ikaw! May kasalanan ka sakin! Ikaw blah blah blah!" Sigaw niya na wala naman akong oras para pakinggan

Bigla namang may lumapit na mga lalaki sa gilid nito at pinalibutan ako. Sila yung mga nangharang sakin sa AU.

"Sinaktan mo yung kaibigan ko atsaka binatuhan mo pa ako ng bola! Kaya sorry nalang, lagot ka na samin!" Sigaw niya at biglang sumingit yung mga kasama niya

Pagkatapos ng ilang segundo ay lahat sila bumagsak. Dahil iyon sa katangahan nila. Sabay sabay silang sumugod, yumuko naman ang ginawa ko at yung nasapak nila ay yung mga kasama nila. Mga tanga tss.

"Anong nangyari dito?" Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko sina Precious.

"Ikaw nagpatumba sa mga yan?" Gulat na tanong naman ni Ali

"Hindi." Matipid na sabi ko at umalis ng garden

(A/N: Readers sorry kung di nakapag-update kahapon! Babawi ako ngayon! Siguro dalawang chapter i-a-update ko ngayon o tatlo! Matuwa kayo haha loveyou readerssss!)

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon