Chapter 41 : Choice

Start from the beginning
                                    



"Yes." 



"In your possession, huh? That's a big word for you to say even though you still doesn't have anything to hold on." I told him. Napahalukipkip naman ako at saka mas sinandal ang likod ko sa headboard upang tingnan siya nang may kaunting panghahamon. 



Again, he smiled. Not in an insulting way but in a charming way. Napayuko siya upang ilabas ang mas malawak pa niyang ngiti ngunit mabilis niya ring iniangat ang kanyang ulo upang ipakita ito sa akin. "Hindi mo dapat sinabi iyon lalo na kung suot mo rin naman ang bagay na nagsasabing akin ka na. Baka siguro nakakalimutan mo na, na may kasunduan ang mga magulang natin na ipapakasal nila ang unang lalaking anak at ang bunsong anak na babae nila sa takdang panahon.At baka nakakalimutan mo na rin na sa'yo ko ibinigay ang mafia pendant ko. Patunay lang na sa araw na ibinigay ko sa iyo 'yan, markadong Vantress ka na." he explained as he is still wearing a smile filled with victory. 



Napatingin naman kaagad ako sa sarili ko. And the heck! I'm really wearing the pendant for Pete's sake! Ugh. Napairap na lang ako sa kanya nang hindi pa rin naaalis sa mukha niya ang ngiting tagumpay niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin ng ilang sandali pero parehas lamang kaming nauwi sa tawanan hanggang sa dalhin namin ang isa't isa na yakapin ang isa't isa. 



At ang pinakatumatak sa akin na sinabi niya sa oras na iyon ay, "This is my choice, my decision. I won't ever let you go, future Mrs. Vantress." 








"Bumalik ka na pala, Alexandria." nakuha ng isang babaeng sumulpot mula sa likod ng punong kinalalagakan ni Claire ang atensyon ko habang hawak niya ang isang maliit na remot sa kamay niya. Abang tinutok niya sa akin ito na tila ba binabantaan sa kayang gawin ng simpleng bagay na iyon.



At ano naman ang entra nitong babaeng ito? Kilala ko silang dalawa ni Claire. Tuso silang magkapatid. Maldita, sakim sa kapangyarihan, at mga desperada sa atensyon ni Sean. Kahit ang pagpatay ng mga inosenteng tao, wala lang sa kanila para lang makuha ang pag-ibig at atensyon ng isang judge. Magaganda sila at hindi mo aakalain na mga wala na talaga sila sa katinuan, scientifically speaking. I know how much they want Sean but it would never become a feeling of love for me. These two sisters are the ones who killed Azalea, Sean's girlfriend. That's one enough reason for Sean to dispose his trust to his duchesses.



"At sa tingin mo mapapatay mo ako niyan at mababalik ang buhay ng kapatid mong baliw?" tanong ko sa kanya nang nakababa na ang bow na hawak ko. Sinenyasan ko naman si Dereen na magpunta sa panig kung saan naroroon ang anak ko.



Agad naman siyang pumunta at inalo si Alexei upang lumayo ng kaunti. I would not risk my own son's safety for the issues I have with this insane woman. "Hahahaha wala naman na akong pakialam sa kapatid ko. Tutal dapat naman nang patay na kaming dalawa. Tanging mga advanced devices lang naman na ang bumubuhay sa amin eh. Kaya naman wala na akong pinagsisisihan. Pero ikaw Alex, marami pa ang pwedeng mawala sa iyo. Tulad na lang ni Spade at ni Sean." Michelle said, a smirk forming on her face. Ano bang sinasabi ng babaeng ito? Hindi kaya ... sa remote na iyan ... no way. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now