Chapter 11 : Pretty But Dangerous

67.7K 2.3K 978
                                    


[ V A L O R ' S  P O V ] 




"Tumigil ka na nga sa pagngawa diyan! Naririndi na kami! Kung hindi ka lang talaga kailangan ng boss namin, kanina ko pa pinutukan 'yang bungo mo eh!" mas lalo akong napahagulgol nang marinig ko ang paulit na paulit na pagsaway sa akin ng mga kapreng mama na ito. 



Dapat pala hindi na ako sumama sa kanila. Niloko nila ako. Sabi nila, dadalhin daw nila ako kay mommy. Pero ngayon, hindi ko na alam kung nasaan ako. Paggising ko kasi nandirito na ako at nakatali sa isang poste. 



"Ayoko sa inyo! Bad guys kayo! Ibalik niyo na ako kina Kuya Alexei at kina Kuya Finn! Waaaah!" ayoko na talaga dito. Siguro naman ililigtas ako nina kuya di ba? Love nila ako di ba? 



Hindi katulad ni Daddy Spade. Wala siyang pakialam sa akin. Pakiramdam ko lagi, wala akong magulang. Oo, nandyan nga siya physically pero kahit kailan hindi niya ako niyakap. Hindi siya katulad ng mga daddy ng mga kaklase ko na lagi silang hinahatid, laging sinasamahan sa pagbili ng toys, 'yung nakikipaglaro sa kanila, 'yung sinusundo sila, 'yung mahahalikan mo sa pisngi, 'yung mayayakap mo sa pag-alis mo, hindi siya ganoon. Pero ang kwento sa akin ni Kuya Finn, pagpasensyahan ko raw ang ama namin. Dati naman daw hindi ganoon si daddy. Nag-iba na lang daw siya nang mamatay si mom. 



I'm so curious about mom's look. I never found a picture of her. The maids and the reapers always avoid my questions as if it's a crime to ask. I can't understand why I can't see my mom. Aunt Rennei told me that Mommy Alex is now on heaven. But I don't like to believe on her. I want to have a mom. Sumama lang naman ako sa mga bad guys na ito dahil sabi nila makikita ko si mom. Kapag nakita ko si mom, papabalikin ko siya sa bahay para hindi na maging cold si dad sa amin nina kuya. Kaso mukhang malabo na mangyari 'yun. Sigurado akong laruan na pinabili lang niya kay Aunt Rennei ang iaabot sa akin bukas. Ganoon naman lagi tuwing birthday ko. Walang party, walang balloons, walang kakain sa labas, at walang sabay sabay na pag-awit ng 'Happy Birthday'. 



"Pare, may problema. May sumira sa security system natin at nakapasok sa building." narinig kong bulong ng bagong dating na kasama ng mga maskuladong lalaki. Hingal na hingal siya at tagaktak ang pawis niya habang may hawak na baril na magkabilang kamay niya. 



'Yung baril na hawak niya, nakita ko na 'yun na hawak dati ng isa sa mga tauhan sa bahay namin. Hindi ko nga alam kung bakit may mga ganun sina daddy. Sina kuya naman walang ganun. Hindi ko rin makuha kung bakit ang dami naming tagapagsilbi at tagapagbantay sa bahay. Laging kapag-aalis, kailangan ng ilan pang kotse na kasama. Gayunpaman, lagi akong mag-isa. Hindi naman kasi laging nasa bahay ang mga kapatid ko. Ako kasi, naghohomeschool. Pati nga mga tutors ko, nakakapagtaka eh. Kada four months, nagpapalit ang pumupunta sa bahay. 



"Yellow alert. Yellow alert. Yellow alert. Single female intruder identified in security portal three." biglaang anunsyo mula sa speaker na nasa may bandang kisame. Narinig sa buong lugar ang anunsyo na siyang nagpataranta rin sa mga lalaking dumukot sa akin.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon