Chapter 40 : Mothers and Wives

88.8K 2.4K 714
                                    


[ A L E X E I ' S  P O V ]



"Mom!" Both Finn and I called and I saw how her gaze was able to reach our's. Oh God. That is really her. Even though with a different eye color, the only person who can give me both chills and warmth will always be this woman. The most beautiful woman that has ever lived for the whole family. It's Alexandria Cromello. 



Narinig ko rin naman ang mahinang pag-utal ni Valor mula sa kalayuan ng salitang 'mom' habang nakatulala lang sa direksyon kung saan matatagpuan ang aming ina na binalik na ang kanyang tingin sa lalaking may hawak sa bunso naming kapatid. "Sean. Release him. Walang kinalaman dito ang anak ko." may diin niyang sabi habang nananatili pa ring kalmado ang mukha niya at pawang nakapokus lamang ang kanyang mga mata sa kalaban. 



She remembers! She really did come to save the day for us. Thank you, mom. We all know that you are the only one who can stop him. The man who is still madly in love with you. Every jaw in this hall has dropped. All of us were waiting what will happen next with our eyes filled of small tears seeing the woman that we have longed for three years. "Alex ... you came back. Nung huli tayong nagkita, sinabi mo sa akin na hinding hindi ka na babalik pang muli. Pero bakit nandito ka? Heh, dahil ba bumalik na ulit ang mga alaala mo?" ani ni Uncle Sean na hindi mo malaman kung natutuwa nga ba sa pagbabalik niya o naglalabas hinanakit. 



I gulped while listening to them. Not just me but all of us. Even dad can't speak due to the sudden surprise of mom's grand entrance. Who will ever expect that someone who everyone thought as dead will come to our rescue in a time like this? Even so, mom didn't say a single word about Uncle Sean's first words to her. Neither did she show any change on her expressions. She stay still with a cold yet fierce look. So this is the look that my godfathers have always told me about! Too bad, they're not here anymore to see her safe and sound. 



"Bilib na talaga ako kay Alexandra Dela Vega. Oo, madaling nauto ng dating judge ang tatay ni Juno Domzelle para ipapatay silang mag-asawa pero siya? Nagmatigas siya. At gumawa pa talaga siya ng isang elixir na hindi lamang nagbibigay ng kakaibang lakas kundi ginawa niya rin ito bilang pangontra sa epekto ng Onyx Blood Disease. Ewan ko ba bakit nga ba binigay ni mom sa nanay mo ang isa sa dalawang natitirang bote ng White Antidote. Siguro nga, sadyang matibay ang pagkakaibigan nila. Hindi katulad ng pagiging magkapatid namin ng kapatid kong magaling." sabi niya nang may halong boses ng pagkamangha ngunit dama pa rin ang inis at pangungutya sa tinig niya. Katulad ng aming ina, hindi rin niya inaalis ang tingin niya kay mom. 



Nang dahil dito, naisip ko na ito na ang pinakamadaling tiyempo upang iligtas ang kapatid ko mula sa mga kamay ng tiyuhin namin. Habang nasa ibang bagay ang atensyon ng lahat. Habang ang lahat ay walang nais na gawin kung hindi ang makinig at manood lamang sa mainit na usapan ng isang Alexandria Cromello at Sean Vantress, muli kong hinigpitan ang kapit ko sa swordstick na dala ko. Huminga pa muna ako ng malalim. Hindi ko alam kung katangahan ang gagawin ko pero alam kong maililigtas nito ang kapatid ko. Handa ko nang ihakbang ang mga paa ko nang may nagpatong ng kamay sa aking kaliwang balikat na siyang nagpalaki ng mga mata ko at siyang nagpabato sa buo kong katawan. Unti unti kong sinulyapan ang taong may gawa nito mula sa likod ko ngunit nang mamukhaan ko kung sino ito ay abang nabitawan ko na lang ang hawak ko. Ang pagkabagsak ng sandata ko ay umakit ang atensyon ng lahat na siyang nagresulta upang mapunta sa kinaroroonan ko ang mga nagbabagang tingin nila. She is ... 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon