We Are Trapped On A Thread Between Almost And Never

73.3K 2K 208
                                    

30


Nanatili lang akong nakatitig sa salamin sa may banyo. I kept staring at the hallowed eyed girl looking back at me. Her eyes are red from crying, her face pale from not eating. Her lips are cracked, her hair in disarray.


Muli na namang tumulo ang luha ko at hindi na ako nag abala pang punasan iyon. Akala ko ay pagod na akong umiyak, akala ko ay magiging masaya na ako, akala ko happy ending na.


Nakalimutan kong si Seven pala ang usapan. You have to remember Cha, kapag si Seven, you should never expect and never assume.


Kinuha ko iyong sabon sa lababo at naghilamos. I tried making myself look decent. Pinusod ko ang buhok ko at nagsuot ng oversize na sweater at jeggings. Kinuha ko iyong sapatos ko at lumabas na sa room ko sa hotel na tinutuluyan ko.


Kagabi ay hinatid ni Marid iyong plane ticket ko para makauwi na ako sa Pilipinas. Ni hindi man lang niya nagawang ibigay iyon sa akin ng personal. Was he really that pissed?


I was wrong. I know that. I jumped into conclusions. Pinagbintangan ko siya. Ipinakita ko sa kanya na wala akong tiwala sa kanya. Pero hindi ko magawang sisihin ang sarili ko. Before I came to Italy, Allanis and Seven are in a relationship. They were engaged. Malalim na ang relasyon nila bago pa nagawang aminin ni Seven sa akin ang nararamdaman niya.


I am scared that maybe he is the father. Pinuno ko ang usapan namin ng akusasyon ko para hindi siya makasagot. Hindi ko kayang marinog sa bibig niya mismo na siya ang ama ng batang dinadala ni Allanis. Kapag nangyari iyon ay saan na lamang ako aabutin?


I am almost there. I almost won. My wish on the seven stars almost came true. I am afraid that his answer will crush my dreams. Because of that fear, I became irrational, childish, and immature.


Hindi ko alam kung saan na ako nakaabot sa paglalakad ko. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Dirediretsyo lang ang hakbang ko kahit wala naman akong destinasyon.


Sunod sunod na sigawan ang narinig ko. Noong dumiretsyo ang tingin ko ay nakita kong green light na pala at naipit na ako sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan.


Shit! I'm gonna die! Damn it!


Napapikit ako ng mariin bago ko naramdaman iyong paghila sa braso ko. Bumagsak ang katawan ko sa may sidewalk at tumama ang balakang ko sa poste.


"Ugh, fuck!" baritonong boses ang narinig ko. Pagdilat ko ay nakita ko iyong lalaking halos nakadagan sa akin. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin rito.


"Ash! Oh my! Ayos ka lang?" lapit naman noong isang babae sa amin. Inalalayan niyang makatayo iyong lalaki bago ako nilapitan.


"Are you hurt?" she asked. Umiling ako habang nakatingin doon sa dumudugong kamay noong binata.


"Nasugatan yata siya." Mahina kong sabi. Hinarap noong babae iyong binata. The guy opened his mouth and shook his head.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon