His

93.5K 2.6K 306
                                    


26


Hala mainet! Net! Net! Net!

----------------------------------


Nakalimutan ko yata kung sino ang kasama namin. We're with the Montreals. The goddamn freaking Montreals. Pagkarating namin sa Pundaquit ay para kaming mga kamag anak ng presidente sa trato sa amin. Can I compare us to someone who pays 50 million pesos for tax? Ang engrande kasi ng salubong sa amin. Eh wala naman kaming ginagawa.


"Sila yung payungan ninyo." Utos ni Kuya Shawn doon sa tatlong empleyadong sumalubong sa amin. Mabilis na lumapit iyong mga lalaki sa amin at kami ang pinayungan. Nilingon ako ni Seven bago siya ngumisi at tumalikod muli.


"Ay perfect! Haha! Kuya payungan mo daw kami!" natatawang sabi ni Bullet doon sa lalaki sa tabi niya. Napangisi iyong Kuya at mas pinayungan si Bullet.


"Lakas makadonya nito! Haha." Masaya niyang sabi at naglakad na para bang rumarampa sa may mabatong daan.


Hinatid kami ng mga empleyado sa lounge habang iyong tatlo ay pupunta raw sa site para tingnan ang ginagawang building.


"Aalis ka?" tanong ko kay Seven. Lumapit siya sa akin habang may kagat kagat na suklay at pang ipit sa buhok.


"Yup." Sagot niya at pinatalikod ako. Sinuklayan niya ang buhok ko at dahan dahan iyong inipitan.


"Mainit dito."


"Kaya nga nag shorts ako eh." Pagbibiro ko sa kanya. Nilingon ko siya pero sumimangot lamang siyaat inirapan ako. Pikon talaga.


Nilingon ko sina Allanis na nasa may couch lamang. She was staring at the two of us. Noong mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay bigla siyang ngumiti. I smiled back and waited for Seven to finish.


Hindi naman siguro awkward kay Allanis na nakikita kami ni Seven hindi ba? I mean, Kuya Shawn said it is just an agreement. Hindi naman niya talaga mahal si Seven right?


Noong matapos iyong tirintas ay inikot ni Seven ang buhok ko para maging bun. Inayos niya iyong ilang hibla ng buhok ko na nahulog bago siya ngumuso at tiningnan ulit ang hita ko.


"Magpalit kayo ng damit mamaya ha?" aniya. Ngumuso lang ako bago umiling.


"Mainit." Reklamo ko. I pouted and he just flicked his fingers on my lips. Napahawak ako sa bibig kong pinitik niya bago ko siya niyakap. Seven just sighed before staring at me.


"Madaya ka. Stop mesmerizing me." Aniya. Nakagat ko ang labi ko at yumuko na lang. Damn it Seven! Ako dapat ang magpapatiklop sayo eh! You should stop saying things like that.


"I'll be back after an hour. Ichecheck lang namin yung resort." He said. Tiningnan ko ulit siya bago tumango. Bumitaw na ako sa kanya at hinayaan siyang lapitan sina Kuya Shawn at Kuya Seth.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon