Shorts

96.2K 2.3K 452
                                    

25 

Pinipigilan ko ang tili ko habang nakatitig sa cellphone ko. I'm waiting for Seven's reply. Kachat ko siya ngayon kahit na magkatapat lang naman ang bahay namin.

Parang ang tagal na noong kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. I mean, wow, he likes me--- err, he loves me! Since I was six years old! Damn. Ako nga narealize ko lang na mahal ko siya noong nine ako.

'Date?'

Napanguso ako sa sagot niya sa akin. Umupo ako at tiningnan ang digital clock sa tabi ng kama ko. Hmmmn, May 2 na pala ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng sagot.

'May 2 ngayon.'

Bakit kaya niya tinatanong ang date? Birthday ba niya? But his birthday is on July 7 pa.

Tumunog ang cellphone ko at muling kinuha iyon. Nagsend si Seven ng sunod sunod na stickers. Una ay angry face, tapos ay biglang umiiyak na. Hanggang sa huli iyong marami ng pangil na di ko mawari. Ang hirap mag explain!

'Napano ka?' tanong ko. Bigla ay tumatawag na siya. Sinagot ko iyon agad. Baka lalong magalit si Montreal, mahirap na.

"Hello---"

"I'm actually asking you for a date, Chantal." Aniya sa kabilang linya. Bigla ay naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Aww.. iyon ba ang ibig niyang sabihin? I thought he was asking for the date today.

"Today?" tanong ko. He sighed on the other line. Ano na naman? Bakit ba ang dali mon mafrustrate sa akin Montreal?

"Yeah. Samahan mo ako sa Pundaquit. Titingnan namin yung pinapagawang resort." Sagot niya sa akin. Date? Sa Zambales? Kaming dalawa lang?

Ahh! Ang sarap magpagulong gulong sa kama tapos hahampasin ko si Kuya ng unan. Bwisit! Magdadate kaming dalawa!

"Oo naman!" excited ko pang sagot. He chuckled on the other line. Mamayang hapon ay susunduin niya ako para makaalis agad kami. We'll spend two days there. Oh diba? Dalawang araw na date? Saan ka pa?

Noong bumaba ako para mananghalian ay doon ko pa lamang naisip na dapat ay magpaalam pala ako kay Papa at Mama. Naabutan ko silang nag aayos ng mesa pagkababa ko.

"Kumain na tayo." Aya ni Mama sa akin sabay lagay ng plato ko sa aking harapan.

Tiningnan ko si Papa na tahimik na nagsasandok ng kanin. Noong umupo siya ay tiningnan niya ako bago ngumiti sa akin. I smiled back.

"Pa.."

"Hmmn?"

"Aalis po sana ako ngayon. Sasama ako kay Seven sa Pundaquit." Anas ko. Napatingin siya sa akin. Kahit si Mama ay napatigil sa pagkain. Si Kuya lang ang tuloy tuloy sa pagpapak sa tiyan ng bangus.

"Magtatanan na kayo Chantal Eleanor?" histerikal na sabi ni Mama. Napahawak pa siya sa dibdib niya at halos namutla na.

"Ma naman, kung magtatanan yan, bakit pa siya nagpapaalam?" sabat ni Kuya. Inilagay niya sa plato ko ang bangus na narape na at walang tiyan. He winked at me and I made a face. Binibigay na niya sa akin kasi nakuha na niya yung gusto niya. Kawawang bangus.

"Anong gagawin ninyo sa Pundaquit? At bakit ikaw ang nagpapaalam? Bakit hindi niya personal na sabihin sa akin na isasama ka niya?" dirediretsyong sabi ni Papa. Napanguso lamang ako. Ang daming tanong Papa.

"Pa..."

"Wag mo akong pinaPa Chantal. Don't me." Biro ni Papa. Ngumiti lang ako sa kanya.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon