I Hate You, I Love You

87.4K 2.4K 402
                                    

9

SHOUTOUT SA LAHAT NG NAGMAMAHAL NA BILIHIN!! LOVE YOU PENDERS XD

-----------------------------------


I am determined to succeed. Ang tanging resulta lang ng laban na ito ay ang pagkapanalo ko. I will be the victor here. I won't lose.


Inilapag ko iyong tea na ginawa ko sa tabi ng omelet at fried rice na niluto ko. I poured three drops of lemon on the tea before sticking the little note on the cup. Smiley lamang iyon at maliit na 'have a good day' na nakasulat. I almost clapped when I saw what I prepared for Seven.


Binuhat ko na iyong tray at nilingon ang kwarto ni Seven. Sinipa ko lang ang pintuan dahil hindi naman siya naglolock. Tulog pa ito, iyong kumot ay nakabuhol sa beywang niya. Nakadapa siya habang yakap yakap iyong unan niya at malalim pa rin ang tulog.


Umakyat ako sa kama ng dahan dahan at kinalabit ang likod niya. Umungol siya ng kaunti at idiniin lang ang mukha sa unan niya. I smiled and put my mouth near his ear.


"Pito ko." Bulong ko dito. Gumalaw siya ng kaunti pero hindi pa rin siya nagigising.


"Hmmmn..."


"Seven, gising na." sabi ko sabay tapik pa dito. Haay, ang sarap yakapin oh.


Unti unti siyang nagdilat bago ako tiningnan. Naninigkit pa yung mata niya habang nakatitig sa akin.


"Chantal?" he called me with his bedroom voice. Gosh! How sexy is that? Kinukusot pa niya iyong mata niya habang unti unti siyang tumatayo.


"What are you doing?" he asked. I just smiled at him before pointing at the tray.


"I cooked breakfast for you." Masigla kong sabi. Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa tray. In one swift move, I went near him and gave him a peck on his lips. Muntik siyang mapahiga ulit sa ginawa ko dahil sa pagkabigla.


"Kain ka na. I love you, Seven ko." Sabi ko dito. Bumaba na ako sa kama at patakbong bumalik sa kusina. Hindi ko na hinintay na magreklamo pa siya sa mga ginagawa ko.


Oo na, desperado na kung desperado. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong mang aagaw o malandi. I loved Seven since I was a child, so technically, ako ang nauna.


Inayos ko ang gamit ko dahil may pasok pa ako ngayon. Kinuha ko lahat ng pintura na pwede kong madala at isiniksik iyon sa bag ko. Today we will paint about our greatest dream. Excited na akong ipinta ang simbahan sa harapan ng fountain of love. That is where we will get married someday. Sa simbahan na iyon ako mapapangalanang Montreal.


Pagkalabas ko ay nakaupo na si Seven sa sofa. Tiningnan niya ako bago tumayo.


"You'll go to school now?" tanong niya. Lumapit ako dito at inayos ang necktie niya.


"Papasok muna ako ha? I'll go home early and cook dinner for you." Sabi ko dito. He sighed before pulling my hand away.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon