Eat You

106K 2.6K 341
                                    


15



I think Auntie Iris will not have any problem with what I am wearing. Wala naman kasi kaming uniform talaga at pasok pa naman sa dresscode itong suot ko. Bukod sa braso ko ay binti ko lang naman ang nakikita. Most girls in the office wear shorter skirts compared to this.


Inayos ko iyong off shoulder white bohemian top ko. Itinaas ko ng kaunti iyong mga bulaklak na design bago ko itinuck in sa blue high waisted shorts. I just let my hair fall from my shoulders. I pinned it with my floral hairband and I am good to go.


Bumaba na ako para hintayin si Auntie. Nakikisabay lang kasi ako sa kanya dahil wala pa akong sasakyan. I still don't have my license at hindi pa ako nabibilhan ni Papa ng kotse.


"Morning!" bati ko sa pamilya ko. Kumuha lang ako ng isang pirasong ham at tinapay bago ako tumabi kay Papa.


"Pa, bilhan mo naman ako ng condo unit." Paglalambing ko. Napatigil siya sa pag inom ng kape at napatingin sa akin.


"At bakit?"


I pouted para mas cute. "Kasi si Kuya mayroon, tapos ako wala." Sabi ko na lang. Pero ang totoo ay mas gusto kong lumayo na lang muna sa village. Nandito na kasi si Seven at ayaw kong lumapit lapit sa kanya kasi alam ko naman na magmumukha lang akong adik kapag ginawa ko pa iyon. Sayang yung tears ko if ever kung magpapakatanga lang ako, diba?


"Atsaka nakakahiya kay Auntie Iris na nakikisabay ako sa kanyang pumasok sa work. Mas maganda yata if may place ako na mas malapit sa firm. Sige na Pa." pagmamakaawa ko. Nilapag ni Mama iyong kanin sa mesa at tinitigan si Papa. She just smiled at me before winking at Papa.


"Pagbigyan mo na Nathaniel. Malaki na yan." Sabat ni Mama. Hinalikan niya iyong buhok ni Papa at tumabi sa kanya. I just smiled and went to my Mom. I kissed her cheeks before looking at my father.


"Pa noh? Yung unit ha? Love you! I'm off to work na~" pakanta kong sabi. Tumakbo na ako palabas para abangan si Auntie Iris. Pagkarating ko sa may gate ay nakita ko si Kuya Matthew na nakasandal sa pader namin habang kagat kagat ang isang pirasong dahon ng mangga.


"Kuya?" tawag ko dito. Ngumisi lang siya sa akin.


"Cha, sa akin ka daw muna sumabay, sabi ni Mama. May meeting daw kasi siya ngayon kaya nauna na siya." Paliwanag niya. Hala, nakakahiya naman. Naabala ko pa yata si Kuya.


"Okay lang Kuya, magtataxi na lang ako." sabi ko na lang. Di naman kasi nila responsibilidad na ihatid ako. Magpapabili na talaga ako ng sasakyan kay Papa.


Natawa si Kuya Matthew. Ginulo niya ang buhok ko tapos pumunta na siya sa motor niya.


"Mapapagalitan ako ni Mama pag hindi kita hinatid Chantal. Just come with me and save my life." Biro niya. Kinuha ko iyong inaabot niyang helmet at sumakay na sa motor niya. Pinaandar niya agad iyon at halos mapasigaw pa ako sa bilis niya.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon