Imagination

85.5K 2.4K 246
                                    

11


Seven left after hearing me beg. Hindi man siya nagsalita at basta na lang akong iniwan. I wiped my tears and stood up. I don't know what to do anymore. I don't know if I could go on anymore.


Kinuha ko ulit iyong sapatos ko at lumabas. I know the resort has some bar here. I should go there. Kailangan kong makalimutan lahat ng sinabi ni Seven ngayon. I have to forget so that I will have the strength to fight for him again tomorrow.


Pagkarating ko ay agad akong umorder ng kahit na anong alak na makita ko. I don't know their names. Minsan nga ay napapatitig na lang sa akin iyong bartender dahil kung ano anong inumin ang pinagtuturo ko. Pakialam ko ba sa pangalan nila, basta nakakalasing.


Hindi ko na alam kung nakailang baso na ako. Hilong hilo na rin ako at gusto ko ng matumba. Tinitigan ko iyong kulay blue kong alak. Nakakatawa. Iba ibang kulay. Parang teletubbies lang. Ah, lasing na ako.


Tumunog ang cellphone ko at tinitigan ko iyon. Hindi ko na mabasa ang pangalan na nakaregister dahil sa sobrang hilo. Basta ko na lamang iyong sinagot at niloudspeaker.


"Where the fuck are you?" galit na boses ang sumalubong sa akin. Natawa lamang ako kahit walang nakakatawa sa sinasabi ng kausap ko.


"Chantal!" sigaw na naman nito. Ano ba yan. Makasigaw naman. Akala mo utusan niya ako.


"Huwag mo akong sigawan, bobo." I slurred. Natawa ulit ako kasi ang pangit kong magsalita kapag nakainom. Para akong tanga. Sabagay, tanga naman talaga ako. Ang laki kong tanga, bullshit lang.


"Damn it Cha, where are you?" lalong dumidiin iyong boses ng lalaki sa kabilang linya. Kaboses niya pa si Seven pag galit. As if naman hahanapin ako ni Seven. Sigurado akong si Allanis ang kasama nun. Lagi na lang si Allanis. Si Allanis ang maganda, si Allanis ang mabait. Bwisit. Tapos ako itong desperado lang. Ang unfair.


"Asa bar.. naglalasing. Brokenhearted ako Kuyang masungit." Sagot ko dito. Narinig kong nagmura ulit siya at napahagalpak ako ng tawa. Magsasalita pa sana iyong kausap ko pero pinatay ko na. Baka pagalitan pa ako. Si Mama nga pinapatayan ko, siya pa kaya.


Ininom ko ulit iyong kulay blue na alak tapos nanghingi ulit ako sa bartender. Ah.. nahihilo na talaga ako.


'I don't have much to give, but I don't care for gold

What use is money, when you need someone to hold?

Don't have direction, I'm just rolling down this road

Waiting for you to bring me in from out the cold'


Noong marinig ko iyong kanta ay tumayo ako. Pasuray suray akong nakarating sa may dancefloor at ilang beses pa akong muntik na madapa. Habang naglalakad ay nabangga pa ako sa isang dibdib ng lalaki.


Natawa ako bago ko tinapik iyong lalaki sa may balikat. "Sorry Kuya." Sabi ko dito. Hinawakan niya ako sa may beywang at hinihila na ako paalis pero pinigilan ko siya.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon