Friend

101K 2.5K 512
                                    


16



Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang ipinaglalaban ni Seven. He's bugging me like crazy. Kahit iyong barkada ay nahahalata na iyong ginagawa niya. Minsan nga ay muntik na siyang mapatay ni Kuya, buti na lang tinamad ang kapatid ko.


Isinandal ko ang mukha ko sa may bintana at pinanood si Seven na lumalangoy sa kanilang pool. Siya lamang ang naliligo habang si Kuya Seth ay nakahiga lamang sa towel na nakalatag. They both look like sun gods taking their bath.


"Sinong tinititigan mo?" biglang sulpot ni Kuya Rome sa tabi ko. Halos mapalundag pa ako sa gulat dahil sa kanya. Nilingon niya iyong bintana ko bago napangisi na lang.


Ginulo niya ang buhok ko tapos ay natawa siya. "Dapat kasi hindi ka agad umalis noong nagvideoke." Aniya. My brow furrowed. Ano daw?


"Baba ka daw pala sabi ni Mama mo. May bisita ka raw." Kuya said.


"Sino daw?"


Nagkibit balikat siya. "Di ko alam. Nasa may garden sila kasama sina Caius." Sabi lang ni Kuya tapos ay iniwan na niya ako. Who could that be?


Bumaba ako at dumiretsyo sa garden. Kuya was busy talking with someone I don't know. Noong mapansin nila na nakababa na ako ay tinawag agad ako ni Kuya.


"Cha! Come." Aniya. Lumapit ako at hinarap iyong bisita ko raw.


"Hey Chantal!" his Irish accent greeted me. I narrowed my eyes and I almost jumped out of joy when I realized who my visitor is.


"Ruan!" tili ko. His smile grew wider. Agad niya akong niyakap. Noong magkahiwalay kami ay doon ko pa lamang napansin na nandoon pa rin si Kuya Caius.


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Uhm Kuya, privacy." I said. Natawa si Ruan sa tabi ko.


"Oh it's okay Chantal. I won't be long. I just dropped by to say hi." Aniya. Hinarap ko siya ulit.


"Really? Where will you stay?"


He smiled again. "I'll stay with my friend in Makati.." sagot niya. Natawa ako sa accent niya kaya bahagya siyang natigilan.


"Why? What's so amusing?"


Umiling ako. "None. None at all. You were saying.."


"Uh yeah, I'll stay with my friend until I finish studying about your country's literature. That will take maybe a year or so." Paliwanag niya. I excitedly nodded. Ruan is a very nice guy. Siya iyong kauna unahan kong kaibigan bukod kina Kuya Shawn noong nasa may Italy ako.


"If you need any help, then just tell me. I'm always available for you." I said. Narinig kong tumawa si Kuya sa gilid namin. I glared at him at nauna na siyang pumasok sa bahay.

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon