SIMULA

148K 3.4K 215
                                    



SIMULA


"Why do you have to go kasi?" umiiyak kong sabi habang nakakapit sa pantalon niya. Nagsisimula na siyang iempake ang mga gamit niya papuntang States. Doon na siya mag-aaral kasama ang mga kuya niya.


"Cha..." frustrated na niyang sabi. Suminghot na lamang ako. I don't want him to go. I want him to stay here.


"Bakit kasi aalis ka pa? Pwede ka naman dito mag-aral. Si Kuya dito nag aaral. Bakit sa ibang bansa ka pa?" atungal ko. He just smiled before pinching my cheeks.


"Mag aaral ako sa States para maging magaling akong businessman Cha. Diba sabi ko gagawin ko ito kasi para maging proud si Papa sa akin? Huwag ka ng umiyak." Paliwanag niya. Suminghot lang ako ulit.


"Matagal kang mag aaral diba?"


"Babalik pa rin naman ako."


Tiningnan ko siya ng masama. "Pero magkakacrush ka nun bago ka bumalik." Anas ko. Natawa siya bigla.


"Ang bata bata mo pa alam mo na yan." Aniya. Ngumuso ako.


"Di na ako bata! Nine na ako!"


Di niya pinansin iyong sinabi ko. Tumayo siya ng maayos at ginulo ang buhok ko. Kanina ay binraid niya iyon bago sinabi sa akin na ngayon na ang alis niya.


"Hey, stop crying Cha." anas niya habang pinupunasan iyong luha ko. He gently kissed my forehead and my tears just stopped.


"Don't cry.. nagmumukha kang kamatis kapag umiiyak ka Chantal." biro niya. Napanguso ako. Bummer. Masaya na sana ako eh, lalaitin pa ako.


Kinuha na niya iyong passport niya at jacket at naglakad na palabas. Naiwan na lamang ako sa kwarto niya. Noong marinig ko ang makina ng kotse ni Tito Stan ay agad na akong tumakbo pababa.


"Seven!" tawag ko dito. Tumigil siya sa pagsakay sa kotse at hinarap ako. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang manika kong si Chacha dito.


"Babalik ka ha?" sabi ko. Tumawa siya.


"Oo naman. Promise yan bata." Aniya. Aangal pa sana ako pero iniabot na niya si Chacha at pumasok na sa sasakyan. Hanggang sa makaalis sila ay nakatitig lang ako sa daan.


They say that if you wish on the seven stars in every seventh day of the seventh month, then your wish will come true. That is why I will wish among the stars.


I will wish for time to be faster. Para tumanda na ako. And then I can tell Seven what I really feel for him.


I will wish under the seven stars.

---------------------

*Pen

Seven Stars- LEGACY 1 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon