Napakasarap sa pakiramdam. Napangiti nalang ako ng mapait sa aking isipan.



"Ha? A-anong ibig mong sabihin?" ani ko.



"ang ibig kong sabihin, ay hindi ka na kailaman magtatrabaho sa ganoong lugar simula bukas ng gabi" itinigil niya ang sasakyan dahil nag red-light.



Nilingon ko siya.



"Pero bakit? Ano bang iniisip mo? At ano bang pakialam mo kung doon ako nagtagrabaho? Ang alam ko lang ay hindi tayo magkaano-ano at mas lalong hindi rin tayo magkakilala, kaya mas mabuti pang paki-bukas nalang tong pintuan ng kotse mo at lalabas ako"



Hindi ko na napigilan ang bibig ko ng sabihin ko ang mga iyon. Kita kong napayukom siya ng kamao at ang-igting muli ang kaniyang panga.



Senyales na galit siya.



Galit na galit.



"What? Bababa ka dito at san ka naman pupunta? If I where know, hindi mo alam ang pasikut-sikot dito sa maynila"



"eh ano ngayon kung hindi ko nga alam? May pake kaba? Kasi ako wala akong pake nasang ibang uniberse na! kaya pwede ba gusto kong lumayo"



Ngumisi siya at sinimulan ng iandar ang sasakyan. Napayukom ng kamao dahil sa inis at dahil sa katotohanang wala akong laban sa kaniya.



"ano bang ginawa ko at ganyan kang makaasta? Ang naalala ko lang ay nung nag-an...hmmp!" tinakpan ko kaagad ang bibig niya kahit na nagmamaneho siya. Sinamaan ko rin ng tingin.



"tumigil ka nga!" tinignan niya ako ng mapan-asar nang binitiwan ko na ang bibig niya.



Mas lalo lang akong nainis ng tumawa siya ng pagkalakas-lakas. Ano bang problema nitong tao na 'to?



Mas lalo lang kasi akong naiirita sa kaniya.



"Look your face! Haha epic" lintana niya. Inirapan ko nalang siya at saka nanahimik.



"Seriously... hindi naman ako nagka-amnesiya gaya ng iniiisip niyo, hindi naman ganoon kalakas ang naging tama sa ulo ko and why you guys thinking that I have an amnesia? Para masolo mo ang kapatid ko?"



Mula sa palabiro niyang tono ay bigla iyong naging seryoso at nakakatakot ng bigkasin niya ang huling salita.



Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Ano ba naman 'tong lalaking 'to! Kung ano ano naiisip! Nakakabwisit!.



"Wala akong gusto sa kapatid mo, kaya manahimik ka nga jan" ngunit tinignan niya lamang ako ng nakakaloko at hindi na muling nagsalita pa.





NAALIMPUNGATAN ako ng may maramdaman akong mga braso na nakapalibot sa bewang ko. Ramdam ko rin na para akong lumulutang sa ere.



Pilit kong imulat ang mata ko at sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa kung saan ay naaninag ko ang mukha ni vhin.



Nilingon niya ako at saka nagsalita.



"Just sleep"



Gising ang diwa ko ngunit pikit ang mga mata ko. At kahit na hindi ko imulat ang aking mga mata ay alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko.



Saan kaya ako dadalhin ng lalaking 'to?



Naramdaman ko ang pag-akyat namin sa hagdanan kaya pasimple lamang akong kumapit sa kaniyang leeg.



Celine✔️Where stories live. Discover now