Pansin ko na lumabas ng cafeteria ang tatlong pogita. Nauna kasi silang nakapasok kaya hindi nila na pansin ang ginawa ni crazy girl sa akin.
Si Vincent naman nakatayo lang. Sa tingin ko walang balak na umawat ang bruho o ipagtanggol ako. Pero salubong ang kanyang mga kilay. Parang galit sya.
"Hoy bruha anong ginawa mo kay Alex!" galit na sita ni Sam sa crazy girl na ito. Medyo malayo kasi ang agwat nila sa amin ni Vincent kanina kaya nahuli sila.
"Bakit gusto mong sumali?" tanong ni crazy girl.
Plak! bigla nyang sinampal nya si Sam.
"Mang-aagaw ng boylet 'yang kaibigan mong bruha!" galit na sabi ni crazy girl.
"Sinong boylet ha?" tanong ko sa kanya. Nakakagigil sya ha.
"Sabi na saiyo malandi 'yang si Alex" rinig kong bulong ng isang girlaloo na estudyante sa katabi nya. Nakakapang-init ng ulo. Parang gusto ko rin syang sampalin. Bumulong pa eh rinig ko naman.
""Sya" turo ni crazy girl.
Tumingin ako doon sa tinuro nya pati 'yung ibang estudyante. Curious sila kung sino ang boylet na sinasabi ni crazy girl.
Isang lalaki lang ang nakaupo doon at nanglaki ang aking mga mata .
"Gosh! Ang gwapooooo!" tili ng isang tsismosa.
"Kahit ako aagawin ko yan sa girlfriend nya" sabi naman ng isa.
Well gwapo talaga sya , mali pala hindi lang gwapo gwapong-gwapo at kilalang-kilala ko sya!
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na ang apat na pogita ay parang nag-eenjoy pa sa panonood sa amin.Kulang na lang ay popcorn.
"Siraulo kang bruha ka kung gusto mo saiyo na iyang bisugo na 'yan!" sigaw ko " pasampal nga"
YOU ARE READING
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...
Thirteen
Start from the beginning