Chapter FIVE: Tour Day (part 2)

Start from the beginning
                                    

I knocked twice before I entered the room. He was busy scanning documents so I went straight to the mini living room and sat.

"Kuya. I just, dropped by here." I said talking to my brother who's still busy doing his business. Hindi ko naman iniisip na magsasalita siya.

"I went to William Hearst High. I already signed the investment papers." pagpapatuloy ko. Pero, wala pa rin akong narinig na kahit isang katiting na salita.

Kahit naman noong mga bata pa kami. Malayo na talaga ang loob niya samin. He always wanted to be alone. He rarely talked to us. And it seems that he had built a wall around him. He had created his own world. Pag-aaral. Company. Doon lang umikot ang buhay niya. But, I'm still hoping na mababago yun. Para kay mama.

"Actually I went here para makipag-ayos. I knew we're not in good terms sa simula pa lang. Kung may nagawa akong mali sayo noon, I'm sorry."

"If that's what you're going to say, you can leave." walang emosyong sabi niya.

"Kuya, ano ba talagang problema? Could you please tell us para naman maintindihan ka namin?" I shouted.

"Enough! You. Don't know anything!" sinigaw niya yun na parang punong-puno ng galit.

Natahimik ako at napatungo. Akala ko sa muli kong pagbabalik, maaayos na ang lahat but I was wrong. At ano ba ang hindi ko alam? "Ano---"

"You'll leave or I'll call the security?"

"Hindi na kailangan. I'll go." Tumalikod ako at lumabas na. Sa muling pagkakataon, I was a failure.

Hezekiah's POV

Anger is what I fvcking feel right now. Makipag-ayos?! That's fvcking stupid and bullsh*t! Why would I do that to the one who kill his family?!

Hindi ko sila mapapatawad. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. I will destroy everything they have. I'll make sure that they would feel the pain to their deepest part.

I clenched my fist.

Let the game begin.

***

Aeris' POV

"Yesssss! Half day! Ang saya-saya!" may patalon-talon pang sabi ni Liana pagkalabas namin ng room.

"Oo nga. Sana lagi na lang may meeting ang mga teachers tuwing hapon." Medyo pabulong na dagadag ni Kimmy nang nasa may hallway na kami.

"Tama! Sana nga noh? Hehe." Syempre noh kaunting oras lang ang pagsusunog ng kilay sa pag-aaral. Pero syempre, masaya rin naman matuto....paminsan-minsan.

"Eh kung mag-mall kaya tayo?" suhestiyon ni Kimmy.

"Magandang ideya yan. Tapos aakitin din natin ang iba pang striking 7." Pagsang-ayon ni Liana.

"Tama! tama! Magvivideoke tayo o kaya magdance revo tayo. Manood na rin tayo ng sine. Panuorin natin yung Heart Bids. Nakakaiyak daw yun sabi nung kapitbahay namin. At maganda daw yun. Tungkol ba siya sa mag- bf at gf. Tapos naaksidente silang dalawa. Eh di naospital sila. Then, dahil sa aksidente, kinailangan nung babae ng heart transplant. Syempre mahal na mahal ni guy yung babae kaya kahit ayaw nung mga magulang niya, ibinigay niya ang puso niya. Kaya namatay si guy, nabuhay si girl. Pero dahil sa----" hindi na naituloy ni Kimmy ang pagkwekwento niya dahil sumingit na si Liana.

"Wag na kaya ano? Kwinento mo na rin naman."

"Haha! Sare nacarried away lang ako. Atsaka, ok lang yun. Hindi naman lahat. Mas maganda na rin kung tayo mismo ang makakapanuod with our friends di ba?" may pagpuppy eyes pa si Kimmy.

Married to a Mafia BossWhere stories live. Discover now