Chapter Two: Hate

12.9K 361 6
                                    

ARIA

Maingay na bunganga ng iba't ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na 'to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako.


Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya... ARGH!


Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya— Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!


"Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?" Nang marinig ko ang boses ng kaibigan ay nakabusangot ko lang siyang tinignan at pinilit ibalik sa palabok na kinakain ko ang aking atensyon.


Hindi dapat ako ganito sa harap ng paborito kong palabok!! Nakaaasar lang talaga...


Hindi matahimik ang kaluluwa ko ngayon, ayoko namang sabihin kay Brooklyn ang opinyon ko sa propesor namin na hindi ko na matandaan ang pangalan. Alam ko naman kasing masasaktan lang ang kaibigan ko kapag sinabi ko ang tingin ko sa crush niyang professor namin. Baka ma-offend pa siya kapag nilait-lait ko sa harapan niya ang lalakeng iyon— Ako na naman ang masama sa buhay niya kapag ginawa ko iyon. Walang duda naman na kakampihan niya lamang ang professor namin kaya wala rin saysay kung sasabihin ko ang mga iniisip ko ngayon.


"Ang sungit mo naman, Bessie! May dalaw ka talaga siguro ngayon, no?" nang-aasar niyang tanong na kinauwang lamang ng labi ko.


Halatang pinipigilan niya ang pagtawa habang ang mga mata ay nasa akin lang. Wala namang nakatatawa pero tumatawa pa rin sya, lalo lang akong nababanas sa ginagawa niyang 'yon.


Mga babae talaga— Well, babae rin naman ako pero hindi naman mababaw kaligayahan ko katulad ng kaibigan kong 'to.


"Napaka-ingay mo, Brooklyn! Lalo lang akong naiinis." pag-amin kong salita sa kaniya. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon ay alam kong aburidong-aburido na ang pagmumukha ko sa kaniya. "Huwag mo na nga lang akong intindihin. Panget lang talaga ang araw na ito, hay naku!"


Hindi siya agad sumagot kaya muli ay tinapunan ko siya ng tingin, kita ko ang pagtaas ng perpekto niyang kilay habang ang mga mata ay naniningkit sa akin ngayon. Wala pa man akong sinasabing dahilan kung bakit ako badtrip ay mukhang may ideya na siya agad.


"Kung si Professor Grayson ang dahilan mo... Bessie naman! Malamang professor natin siya kaya gano'n na lang siya kung mainis sa ginawa mong pagtulog sa klase niya. Idagdag pa na para kang dragona kanina noong magising ka..." pagtatanggol niya sa kay Prof na Grayson pala ang pangalan.


Sabi ko na, e. Ipagtatanggol niya talaga ang bagong salta na 'yon kaysa sa best friend niya. Sa puntong ito ay ayaw ko na lamang makipagtalo... Pero si Aria ata ako— hindi ko mapigil ang sarili ko.

My Possessive ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon