-One-

8.8K 222 42
                                    




"Pag-iisipan ko Best." Sagot ko sa kanina pang nangungulit saken. Kakagaling ko lang sa isang client ko kaya naman naisipan ko muna umuwe dito sa Makati.


(Where are you? Mag-usap nga tayo. Pinayagan ka naman ng boyfriend mo ah.) Aniya. Naiimagine ko ang pag-nguso nya habang sinasabi iyon.


Bumaba ako mula sa multi-cab at agad na nagtungo sa gate para mag-doorbell.


"Usap tayo later Best. Loveyou!" I said ending the call. Alam kong marami pa syang sasabihin pero mas gusto kong marinig yun ng personal.

Ilang minuto ang nagdaan pero wala pa din nagbubukas ng gate para saken. Napaisip tuloy ako kung anong araw ba ngayon at kung wala talaga tao sa bahay ng ganitong araw.

Agad kong dinial ang number ni Papa kasabay ng pagpindot muli sa doorbell.

Lumipas ang ilang segundo at nagbukas na iyon. Agad kong ini-end ang tawag kay Papa at ngumiti sa taong nagbukas ng gate para saken.

"Ayessa dear..." Aniya at agad nya akong niyakap.

"Ate Viv, andito pala kayo?" I said right after the hug. Hinawakan nya ang aking kamay at hinila papasok sa loob matapos kong isara ang gate.

"Actually, napadaan lang kame ngayon. Scheduled check up kasi ni Baby kanina." Aniya. Natuwa naman ako pagkarinig nun. Nagk-kwentuhan lang kame habang naglalakad. Pagkarating namin sa living room, agad kong nakita si Kuya Pao na karga ang pamangkin ko.

"Waah! Baby Sera! I miss you." Lumapit ako kaagad kay Kuya pagkababa ng gamit ko. Natawa naman ako sa naging reaction ng Kuya Pao ko.

"Ingay mo boy. Tulog si baby. Kapag nagising to, ikaw ang magpapatulog." Kuya said making me laugh. Nakita kong lumapit si Ate Viv kay Kuya at hinampas sya sa braso.

Ang cute talaga panuorin nila Kuya Pao at Ate Viv. They've been married for a year and a half already and Baby Sera is 6 months old now.

"Minsan na nga lang kayo magkita ng kapatid mo, sinusungitan mo pa." Naiiling na sabi ni Ate Viv. Kinuha nya si Baby kay Kuya at ihiniga ito sa crib.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Kuya. "Puyat kasi ako, I'm sorry Panget." Aniya na agad naman lumapit saken at ginulo ang buhok ko. Napangiti naman ako. Sinusunod talaga ni Kuya si Ate Viv.

Funny how things are. Akala ko talaga si Kuya Pao at Vangie na. Ilang years din kasi sila pero may mga bagay talagang nangyayare na hindi mo ineexpect. Nakikita ko naman na masaya si Kuya kay Ate Viv, so masaya na din ako, kame para kay Kuya.

"Bah, Teka. Naligaw ka ata dito. San boyfriend mo?" Umakbay pa si Kuya saken at agad na tiningnan ang entrance door.

"Wala akong kasama. Busy sya. Naisipan ko lang dumaan dito. San si Papa at Grant?" Tanong ko habang sinisilip ang kusina.

Naglakad si Kuya papunta sa kusina kaya naman no choice ako kundi maglakad din kasabay nya. Naka-akbay paren kasi sya saken.

"Sus, busy busy. Walang busy sa taong nagmamahal." Agad na tumaas ang kilay ko pagkarinig ko nun.

"Teka lang ah. Bakit parang bitter ka Kuya?" Natatawang biro ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-iling ni Kuya kaya naman mas natawa ako sa naging reaksyon nya. Hugot at it's finest!

"Pa, andito na ang pinaka-panget saten." Ani Kuya pagkalampas namin sa kusina. Agad kong nakita ang paglingon nila Papa at Grant na parehong naka-apron sa Garden. Si Papa, may hawak na barbeque habang si Grant naman ay may hawak na pamaymay.

Yours, Always [HBM3] {FIN}Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz