Chapter 60: He's Back!

Start from the beginning
                                    

Nakapasok na kami sa classroom at nakita naming andoon na sila Shany at Zhyrah. Napansin nalang naman na lagi na silang magkasama, parang close na close na sila. Umupo naman na kami sa bangko namin.

Rex's POV
Sabay kaming pumasok ni Phoebe sa classroom at pagbukas namin nun ay agad agad kaming sinalubong ng mga tili.

"Ayieeeeeee!"
"Sila na ba?"
"Bagay talaga sila!"

Sari saring bulong ang narinig ko, nainis naman ako dahil hindi ba nila napapansin na lagi kong kasama si Phoebe?! Eto namang si Phoebe, nakangiti lang sa kanila.

Tinanggal ko naman bigla yung pagkakahawak niya sa braso ko at iniwan siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

Habang nagkaklase ay walang ginawa si Phoebe kundi titigan ako.

"Rex, balikan mo na lang kasi ako." Nakangiting sabi niya

"May mahal na akong iba, Phoebe." Sabi ko habang nakatingin parin sa harap at nakikinig

"Pinapaselos mo lang ako eh." Sabi niya

Umakyat naman yung dugo ko sa inis, yan na naman siya eh! Hindi ba niya maintindihan na WALA NA KAMI?!

"Tapos na tayo, Phoebe!!!" Malakas kong sigaw sa kanya at nilingon siya

Tumawa lang siya at tumingin sa harap. Tinignan ko rin ang harap at nagulat ako dahil nakatingin na yung teacher namim sa amin at yung mga kaklase namin.

"Ms. Gonzales and Mr. Felicidario, both of you, DETENTION!" Malakas niyang sigaw kaya wala kaming magawa kundi tumayo

Tumatawa parin siya habang ako nakatingin sa kanya ng masama.

Binigay samin ni Mam yung papel na ibig sabihin ay na-detention kami.

Wala akomg choice kundi sumunod dahil kapag hindi, alam kong makakarating to kay ate. Si mama kasi diba umalis ng pilipinas?

"Now, Rex. Masosolo na kita." Tumatawang sabi niya habang naglalakad kami sa hallway ng AU

"Shut up." Matigas kong sabi ko sa kanya

"Nagugustuhan kita lalo, hard to get. It's challenging!" Sabi niya

Binilisan ko naman ang lakad ko at naiwanan siya. Naiinis na naman ako dahil naalala kong buong araw kami sa detention room.

Tinignan naman kami ng namamahala sa detention room at kinuha na yung papel samin.

Umupo nalang ako sa likod, umupo naman si Phoebe ng ilang distansya sa harap ko.

Kinuha niya yung cellphone niya at nagselfie, tsk! Nagagawa pa niyang magsaya sa kalagayan namin ngayon? Hindi ko na siya tinignan pa at kinuha na lang yung cellphone ko.

Nakita ko namang nagtweet si Phoebe. Nagselfie siya na kasama ako na hindi nakatingin. At ang caption? "Detention with my boyfriend! Love you babe :* <3"

Naiinis na ako sa ginagawa niya, nakangiti naman siya sakin nung tinignan ko siya.

"I'm not your boyfriend, bitch!" Sigaw ko sa kanya

"But you're here with me. We're on a quite place, you can do what you want, Rex." Nakangiting sabi niya

"Oo, may gusto akong gawin sayo! Ayun ay ang sapakin ka!" Sigaw ko sa kanya na ikinadismaya ng mukha niya

Wala pang ilang minuto ay agad na maraming naglike. Nasa 68 na at yung mga replies. "Ohmygosh, he's hot!" "You're lucky, Phibs!" "Are you two dating again?!" "So sweet!"

Nanggigigil ako habang ini-scroll down yon, gusto kong ibato yunh cellphone ko sa pagmumukha niya. Mukhang tuwang tuwa naman siya habang tinitignan yung mga replies.

Preii's POV
Natapos ang klase namin at lunch time na! Yayain ko kaya si Rex?

"Yanna, kayo na muna yung maglunch ah. Kasabay ko kasi si Rex eh." Paalam ko sa kanila

"Oh, sige sige." Sabi nila at lumabas na ng classroom

Tinawagan ko naman yung numero niya.

"Hi mahal!" Sigaw ko

"Hello din, mahal." Sabi niya

"Tara, lunch tayo ng sabay." Pagyayaya ko sa kanya

"Lunch? Hindi ako pwed---who's that Rex?" Rinig kong boses ni Phoebe

M-magkasama sila? Malamang magkaklase sila!

I mean nat ang tahimik? Diba.

"Shut up, okay?!" Malakas na tonong sigaw ni Rex

"Bawal ako mahal eh, nadetention ako." Malungkot na sabi niya

"Ba-bakit?" Utal na tanong ko

Ayokong sigawan siya kaya pinilit kong kumalma.

"Si Phoebe kasi eh. Ang kulit kulit---hihihi." Rinig kong malanding tawa ni Phoebe

"Ga-ganon ba? Sige, maglunch na pala ako." Sabi ko at agad na pinatay ang linya

Gusto ko siyang sigawan, gusto kong magalit. Kaso di ko magawa, natatakot ako na baka makipagbreak siya sakin dahil sa kahibangan ko. Wala naman siyang ginagawang masama, si Phoebe ang lapit ng lapit sa kanya.

Wala na rin sila Yanna dahil nauna na silang umalis kaya hindi ko alam kung saan sila naglunch. Kaya no choice kundi kumain mag-isa... Sa cafeteria.

Umorder na ako at malungkot na tinignan yung pagkain ko. Konti lang ang mga estudyante sa cafeteria dahil halos lahat sila ay sa restaurant kumakain. Mga mayayaman eh.

*ring ring*

Si Yanna, tumatawag.

"Preii, hahaha---kasama mo na ba si Rex?---ano ka ba Lian hahaha!" Sabi ni Yanna na mukhang nagkakasiyahan sila

"Ah o-oo. Haha, ang saya nga kasi kasama ko siya ngayon!" Masiglang sabi ko pero nalungkot akong bigla dahil hindi ko talaga siya kasama

"Good! Sige enjoy girl!" Sabi niya at pinatay na ang linya

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko baka makita pa ng ibang estudyante dito at makarating kay Rex.

"You're alone, huh?" Rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko

Lumingon naman ako at nanlaki ang mata ko.

"Ke-kevin?!" Gulat na sigaw ko

Bumalik na siya?!

"You're right, Babe. It's me." Malokong sabi niya at kumindat

(A/N: Update ko ngayong umaga, readers! Botohan ngayon ah, sinong iboboto niyo? Anyway, bumalik na si Kevin! Anong masasabi niya sa chapter na to? Comment down! Ilabas ang inyong nararamdaman!)

Ang pogi taga ni Kevin, ayon oh!

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsWhere stories live. Discover now