Prolouge

6K 181 51
                                    

Prolouge

Lexie POV

"Sino ka?" tanong ko sa nabunggo kong teddy bear sa kalsada. Ang cute ng mascot na'to pero nang magsalita sya parang nabuhay muli ang dugo ko. Bakit ganon, "sino ka?" Tanong ko ulit.

"Huh? Ako ba?" Ang engot din niya, pero sabagay may nakasuot na ulo ng bear sa ulo niya. Nakikita niya kaya ako.

"Ah hindi yung katabi mo!" Tumitibok na naman ng kakaiba yung puso ko. Isa lang nakakagawa nito sa akin e, pero imposible naman.

"Wala naman akong katabi, baliw ka ba?" Napangiwi na ako. Sira ulong engot ba 'to? 'Wag kong makikita ang mukha niya, sasapakin ko siya.

"Bahala ka! Ang tanga mo namang kausap!!" Singhal ko.

"Anong sabi mo?" Sigaw niya sabay tatanggalin niya na yung ulo ng bear sa ulo niya. Agad akong tumakbo, baka masapak ako e. Natawa naman ako ng makita ko nang naghihintay sa akin sila Claude sa tapat mall.

"Saan ka galing?" Tanong niya, ngumisi lang ako at kinuhit siya.

"Bakit namiss mo ako?"

"Tss. Bakit kita mamimiss?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Waaahhh, hindi nga? Himala!" Ngumiti lang siya sa akin na ikinagulat ko rin ng pindutin niya yung pisngi ko.

"Bakit kita mamimiss? Isang minuto pa lang tayong di nagkikita?"

"Oo nga naman, Lex.." ani ni Yana, na kadarating lang. Napatingin agad siya sa lalaking humakbang palapit sa kanya, sabay tago sa likod ko.

"Hahaha, takot talaga siya sa'yo Gab." Nagkamot batok lang si Gab, saka ako muling tumingin kay Claude. "Di nga Claude, di mo ko namiss?"

"Tss.. oo na namiss na kita, ang kulit mo!" Sabay wacky face niya. Pinigil kong matawa sabay palo sa balikat niya.

"Baliw ka talaga." Aniya ko, nang nagtuloy na kami sa loob ng mall. Kumapit ako sa braso niya, at nakataas noong pumasok na kami sa mall. Pero bakit, napapalingon ako sa likod dahil sumasagi sa isip ko yung mascot na teddy na yun. Ang cute niya kasi, pero yung kayang nasa loob. Ang cute din kaya,pati yung boses niya kagayang-kagaya ni--- ah nevermind. Imposible naman.

Lahat nang pagmumove-on ginawa ko para lang makalimutan siya. Naniwala pa naman ako sa sinabi niyang "magkikita pa kami." Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Imposible naman talaga e, hindi na talaga siya babalik pa. Hindi ko na talaga siya makikita.

"Ano na namang iniisip mo?" Napatingin ako kay Claude na ngayon ay nakatingin sa akin. Umiling lang ako saka ngumiti, "nandito naman ako, siya pa rin ang iniisip mo."

"Claude?"

"Joke lang, namimiss ko na rin yung gagong yun. Kung pwede lang akong magkagusto dun, nainlab na ako e."

"Hala?" Tumawa siya ng malakas.

"Hahaha, joke lang! Di ka na mabiro.." napangiwi ako, naisip ko tuloy habang tinitignan siya. Sino kaya ang babae kung sakali. Omeged, hahaha..

Nagtuloy na kaming pumunta sa coffee shop ni Sowie. Pagpasok pa lang namin, napansin na namin ang standee ng dalawa, si Sowie at Xy, talagang magkayakap sila habang nainom ng kape. Sila na may forever, bitter na naman ako.

"Oh Lex, dito na pala kayo!" Sabi ni Xy habang dala ang tray na may cafe latte, nakasulat dun sa cup e. Ngumiti lang ako ng ihatid niya yun sa costumer.

"Tara na.." aya sa akin ni Claude, naupo kami sa may tabing entrance. Agad kaming pinuntahan ni Xy, nakasuot pa siya ng brown apron na may nakalagay na Xyso cafe. May like sign pa, nakakaproud naman itong dalawa. Kaso ang alam ko, di alam ng magulang ni Best na bampira 'tong mokong na'to.

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon