tauhan siya ni blake??

napanatag ang loob ko nang marinig kong si blake ang nagpapasundo sa akin. pero, imbes na sa school ako dumiretso, iba ang dinaanan namin. kinabahan ako dahil baka hindi si blake ang nagpapasundo sa akin.

huminto kami sa mall. pero dahil sa maaga pa, sarado pa ang mall. 

"eh mister, sarado pa po ang mall." hindi naman ako pinansin ng man in black kaya dirediretso kami sa loob. nakita ko na may mga empleyado na sa loob. sinalubong ako ng isang sales lady at pumasok kami sa department store.

"ah miss, excuse me bakit niyo ako pinapasok dito? eh diba sarado pa kayo?" tanong ko sa sales lady.

"utos po ni sir blake. sabi po niya, kailangan daw pilian daw po namin kayo ng damit na babagay sa inyo." at nagsimula na nga akong magshopping.

ngayon ko lang narealize na ang boring pala magshopping mag-isa.

binigyan ako ng dress na color blue na tube basta tignan niyo nalang yung picture.

pagkatapos nun, pumunta kami sa parlor at inayusan ako. lahat na ginawa at oo maganda nga ang pagkakaayos sa akin.

sinuot ko na ang dress pagkatapos ay lumabas na ako ng mall. sumakay ulit ako dun sa kotse na nagpasundo sa akin. hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. tinignan ko ang oras. 12:00 kaya naman pala nagugutom na ako.

"kuya malayo pa ba tayo?" tanong ko sa driver pero hindi na naman ako pinansin. huminto ako sa isang park.

"ma'am nandito na po tayo." 

"ha?! dito po manong sure ka?" tanong ko. nakita kong tumango ito sa rearview mirror.

bumaba ako at kitang kita kong nakatingin ang mga tao sa akin. para akong naligaw sa party. hiyang hiya ako sa itsura ko. 

I WAS STANDING IN THE MIDDLE OF EVERYONE.

aalis na sana ako ng may kumalabit sa aking bata.

"ate para po sayo." sabi nung bata. kinuha ko naman ito.

it was a yellow rose. katulad ng nakita ko kanina sa kwarto ko.

naupo ako sa may bench sa park. 

asan na kaya si blake??

tapos, may lumapit ulit sa akin na isang bata. inaabutan na naman ako ng isang yellow rose.

"sa akin ba yan?" tumango siya.

anong surprise ba ang ginawa ni blake ngayon?

may mga bata naman na lumapit sa akin hanggang sa naging 16 na lahat ang flowers ko.

pagkatapos nun, isang babae ang lumapit sa akin. hindi flowers ang dala niya kundi isang papel.

"para sayo miss. ang swerte mo naman. ang gwapo ng boyfriend mo." echoserang babae to!!

tinaggap ko ang papel. binuksan ko at binasa ang laman.

"look up."

sabi sa sulat. saang up? sa langit ? sa puno??

hindi pa man ako nakakatingala sa itaas, naramdaman ko na may bumagsak na masakit na tumama sa ulo ko.

"ARAY!" pinulot ko ang nalaglag at isang CHOCOLATE??

nakitang kong andaming chocolate sa paligid. tuwang tuwa ang mga bata sa paligid ko. namumulot silang lahat ng chocolate.

UMUULAN NG CHOCOLATE??

tumingala ako at this time flower petals naman ang bumabagsak. ang dami. sobrang dami. saktong pagtingala ko, nakakita ako ng isang jetplane na lumilipad. may binubuo itong letters sa ulap.

LOVE

YOU

COURTNEY

sabi dun sa nakasulat.

"will you be my girl?" nilingon ko ang boses at nakita ko si blake.

"blake?" nagulat ako dahil wala pang nakakagawa ng ganito sa akin sa tanang buhay ko.

napakasweet niya.

may bitbit siyang isang scrap book.

binuksan niya ito.

sabi sa first page

when we met, 

we are both afraid

2nd page

we are afraid to fall in love again

thrid page

but i guess fate has a better reason why we met

fourth page

 and that is to be with each other till tomorrow's over

fifth page

I LOVE YOU COURTNEY.

BE MY GIRL

sixth page

that's a staement. please follw it.

"be my girl courtney. sa ayaw mo man o gusto. mamamatay ako kapag hindi kita nakasama." sabi ni brent sa akin.

"yang 16 flowers na yan. it means the sixteen years na hindi mo pa ako nakikilala. ang sixteen years na yan, pupunuin ko pa ng mas maraming memories." niyakap ko siya at binulungan

"i love you."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

woohh!!!

chakit sa mata!!!

bukas na ang iba ang mahal na ng babayaran ko!!

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon