chapter 32.4

447 5 1
                                    

wahahahaha.... 

eto na eto na

lapit na matapos

ang chapter 32....

nyahahaha

dun nga pala sa dedic... sensya hindi ko masingit ang nais mong mangyari matatapos na kasi talaga siya :))

salamat sa suggestion buboy :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BLAKE's POV

"ikaw na the best ka na." sabi ni mark kay brent. nandito kami ngayon sa bahay nila brent. nagkukwento kasi kung paano siya nagpropose kay mimi. nagyaya kasi siyang magpapainom daw siya

"tol grabeh after a year kayo na rin sa wakas!! congrats!!" sabi ni mark sa kanya.

"oo nga eh. isa nalang ang single sa ating dalawa." napatingin silang dalawa sa akin.

"tol, hindi ka pa ba nakakamove on kay emily?" tanong ni mark. simula kasi ng mamatay si emily, hindi ko parin naikukwento sa kanila si courtney. hindi naman sa ikinakahiya ko si courtney pero dadating din ang araw na ipapakilala ko siya sa kanila.

"hahaha. syempre naman tol, emily will always be special dito sa puso ko. hinding hindi na maaalis ang katotohananna first love ko siya." sabi ko sa kanila.

"alam naman namin yun eh. pero ang ibig naming sabihin manligaw ka na ng iba. magkaron na ng iba." sabi ni brent sa akin.

"actually meron na eh." sabi ko sa kanila sabay inom nung beerna hawak ko. napatulala silang dalawa sa akin.

"talaga?"

"sino"

"kilala ba namin?"

halos sabay sabay na tanong nilang dalawa sa akin.

"actually hindi. hindi kasi siya taga school natin.  ipapakilala ko siya sa inyo kapag napasagot ko na siya." sabi ko sa kanila.

"eh di simulan mo nang pasagutin siya." sabi ni brent sa akin.

"kailangan ko rin ng magandang proposal." sabi ko sa kanila.

kaya naman buong gabi, yun lang ang ginawa namin ang mag-isip ng magandang gimik for her.

kinabukasan....

COURTNEY's POV

maaga akong nagising pero, pakiramdam ko nasa garden ako. pagmulat kasi ng mata ko punung puno ng flowers ang buong room ko. ginala gala ko ang mata ko sa loob ng room. may mga petals pa pala sa sahig. napansin ko rin na may malaking teddy bear sa may pinto. may hawak itong isang yellow rose. kinuha ko ito at lumabas ng room ko.

naabutan ko si mommy na nag-aayos ng dining room.

"good morning ma." bati ko sa kanya. 

"mukhang maganda ang gising mo ah." kahit kailan talaga, si mama alam niya ang mood ko. 

"ma kanino galing yung mga flowers sa room ko?' tanong ko sa kanya pero isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin. 

pagkatapos kong gawin ang ritwal ko tuwing umaga pumasok na ako sa school. naglalakad palang ako ng may biglang humintong itim na kotse sa harap ko. naalala ko na naman tuloy ang lalaki sa ospital na nagtangkang pumatay sa akin. natakot na naman ako.

nagbukas ang pinto ng kotse at lumabas ang isang lalaki na naka business suit.

"ma'am pinapasundo po kayo sa akin ni sir blake." ni blake?

The Missing PieceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt