CHAPTER 2- EMILY

827 14 0
                                    

Hayy umaga na naman. Ang boring na naman pumasok. Hi ako nga pala si Emily. Emily Sandoval. Sabi ng mga schoolmates ko, ako na daw ang perfect girl. Mayaman, maganda, matalino at mabait pa. But, im not happy.Alam niyo ba kung bakit? Ang mga naging boyfriends ko kasi, they just courted me para maipagmayabang sa lahat ng tao na girlfriend nila ako. Well, siguro masaya yun kung mahal ka rin nila. Pero iba eh. They treated me like a trophy. Hindi naman nila ako minahal. I never felt that I am special kapag sila ang kasama ko. Until, I suddenly realize, that no one would take me seriously. Until dumating si Blake. Aaminin ko, I really don’t like him. Yung akala mo kung sinong gwapo. Actually, pinagtitripan lang namin siya ng mga friends ko

FLASHBACK

“Hey, Emily. Kilala mo ba si Blake Alcantara?” tanong sa akin ng bestfrien d ko na si Mimi.

“Oo. Isa yung family niya sa mga kasosyo nila Mommy at Daddy sa negosyo.” Sagot ko sa kanila

“ Alam mo bang may gusto siya sayo?” Biglang sabat ni Thea na kanina pa pala nakikinig sa amin.

“Well, hindi naman nakapagtataka yun. Emily is the campus princess right Ems?” sabay sabi ni Jessa.

Silang tatlo ang bestfriends ko. Simula kindergarten , magkakaklase na kami. At isa pa, magkakaibigan din ang parents namin kaya hindi na yun nakapagtataka. Nasa library kami para sa research project namin sa Humanities. Pare-pareho kami ng course- Journalism. At first ayaw ng parents ko ng course na napili ko. Dapat daw ng Business Administration ako or any related courses para ako na daw ang magmamana ng negosyo. Pero, aanong magagawa nila kung ito ang gusto ko, kaya in the end ako parin ang panalo.

“Ems? Ok ka lang ba? Uy, masyado kang flattered na crush siya ni Blake.” Pang-aasar ni Thea sa akin.

“OF COURSE NOT!” pasigaw na sabi ko sabay tayo at tingin sa kanilang tatlo.

“Ahem!” napalingon ang librarian sa aming apat. Medyo napahiya ako, kaya unti-unti akong naupo.

“UYY,depensib ka teh!” sabi ni Jessa sabay apir kay Mimi.

“Sinabi na ngang hindi eh!” Yamot na sabi ko sa kanila. Lumapit ang librarian sa amin.

“excuse me, if you can’t keep quiet, lease get out of the library.” Sabay talikod sa aming apat.

Badtrip talaga tong mga to. Pero, bakit ganun masyado akong defensive?

“Teh, what if let’s play with him?” sabi ni Thea na may halong nakakalokong ngiti. Nasa staircase kami at pababa na sa canteen. Napatigil ako sa sinabi na yun ni Thea.

“What do you mean?” tanong ko sa kanya.

“Makipagdate ka sa kanya. Para naman matupad ang matgal na niyang wish.” Patuloy pa nito.

END OF FLASHBACK

  Tumigil ang daydream ko dahil sa cellphone ko. Bigla kasing may nagtext.

From: Blake

[Good Morning Emily. Sabay sana tayong pumunta sa school. Dadaan nalang ako diyan sa bahay niyo. Kung ok lang sayo. Txt bck]

Inaamin ko, at first oo i was just playing with him, pero eventually, i am falling for him. May mga doubts na baka katulad lang din siya ng mga Ex ko. Pero, diba nga kung mahal mo, handa kang masaktan.

Nireplayan ko siya kagad. Agad-agad akong naligo at nagprepare. Masaya ako, hindi ko alam kung bakit. Basta masaya ako. Bumaba ako para mag almusal.

“Good Morning Emily.” Si Yaya lusing. Siya ang nag-alaga sa akin simula pagkabata. Palagi kasing wala sila mama at papa.

“Good Morning din yaya. Wala na naman ba sila?”

“Emily, ano pa ba ang aasahan mo sa kanila? Alam mo namang masyado silang busy dahil sa dami ng mga kumpanya niyo. Maupo ka na nga diyan at kumain ka na” sabi sa kanya ni yaya lusing.

Maya-maya ay tumawag ang security guard ng subdivision. Nasa labas na daw ng subdivision si Blake. Agad-agad ko namang tinapos ang pagkain ko at nakita kong nasa labas na ang kotse ni Blake. Nagulat ako dahil hindi naman basta basta nagpapapasok ang guard ng kung sino sino.

“P-paano ka nakapasok dito?” sabi ko kay blake.

Nginitian niya lang ako. Gosh! Bakit ganun ang gwapo ng tingin ko sa kanya?

“Halika na at baka malate pa tayo.” At binuksan niya ang pintuan ng kotse.  Gwapo na gentleman pa. Saan ka pa?

Hindi naman ganoon kalayo ang school sa bahay namin kaya agad kaming nakarating sa school.

“Hmm.. Emily?”

“Yes?”

“M-malapit na kasi ang acquaintance party natin. M-may kadate ka na ba?”

Oo nga pala, this month na ang acquaintance party namin. At ito na ang last. Balak ko sanang wag nang pumunta kasi sanay ang lahat na may kadate ako pero, dahil nagtanong ang gwapong nilalang na ito, sige papayag na rin ako

“Wala pa nga eh. I was planning not to go.” Pagpapakipot ko.

“Hmmm.. Emily? Ok lang ba kung yayain kita? Pero kung hindi ka pupunta ok lang.” Sabi nito sa akin habang nakikipag eye to eye. Ang cute pala ng mga mata niya.

“Hmm.. hindi ko pa alam eh. Sige mauna na ako. May klase na ako eh. Bye” at umalis na ako sa parking lot.

Gosh! Kinikilig ako. No one has ever done this to me. Usually kasi makikita ko nalang ang mga ex ko sa tapat ng bahay namin. Hayy ewan ko ba. Sadyang naiiba ang lalaking ito. Actually wala naman talaga kaming klase today. Wala kasi ang prof. Nagpaalam sa amin last meeting na aabsent daw siya. Kaya ako nagpaalam kaagad para ikwento sa mga kaibigan ko ang nangyari. Una kong nakita si Thea.

“Thea!” tawag ko. Agad namang napatingin si Thea sa akin.

“Bakit? Aba, aba nakitakitang bumaba sa BMW ni Blake ha. Anong meron? Kayo na ba?”

“Hahahaha. Hindi pa noh. Tsaka hindi naman siya nanliligaw eh.”

“Pakipot! Di daw. Sa akin ka pa nagsikreto. Sa course natin tayo ang paparazzi.” At tumawa ito. Papunta kami sa canteen nandoon daw kasi si Mimi at Jessa.

Kinuwento ko na rin sa kanila ang lahat. Tawa lang sila ng tawa.

“Well well well. Mukhang nainlove na talaga sayo si Blake ha.” Sabi ni Mimi sa akin.

Totoo nga iyon. Pero ayoko namang saktan ang damdamin ni Blake. Pakiramdam  ko unti- unti na akong nahuhulog sa kanya.

“Pustahan na kasi sis. 1000. Kapag nasabi ni Blake na iloveyou sayo. Bilis.” Sabi ni thea.

“Sus ang hina naman ng bet niyo. 1000 yun lang ang gagawin. Dapat sis may gagawing kakaiba si lover boy mo sayo.” Ang sabi naman ni Jessa

“At ano namang kakaiba yun aber?” ang sabi ko naman sa kanila.

“Kailangan yung tipong you will feel very special. Make him shout to the whole world how much he loves you but in a different way.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

yan... pasensya na po sa mga nagbabasa ha...

medyo natagalan...

daming school works ee....

bawi ako swear

The Missing PieceWhere stories live. Discover now