CHAPTER 1

1.2K 15 0
                                    

May mga bagay sa mundo na pilit man nating abutin ay hindi natin kayang makuha. Na hanggang pangarap nalang ang kaya nating gawin. At ganyan ang nararamdaman ni Blake sa tuwing nakikita niya ang campus princess na si Emily. Almost perfect na ang tingin ni Blake dito. Mayaman, maganda, mabait, matalino. Lahat na ng katangian ng ideal girl mo nasa kanya na. Isa lang ang problema. Hindi siya kayang lapitan ni Blake. Hindi rin naman siya torpe.Dahil sa totoo lang marami na siyang naging girlfriend at marami na rin siyang babaeng pinaiyak nang di sinasadya. Gwapo rin naman siya. Sabi nga ng mga naging gf niya, siya da ang perfect na tall, dark and handsome. Yun nga lang, hindi siya singyaman ng pamilya ni Emily. Ang mga ito na ata ang isa sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang tao sa balat ng lupa. Samantalang ang pamilya niya, sa isang exclusive subdivision din naman nakatira pero ang mga negosyp nila ay talagang nakasandal pa sa pamilya ni Emily.

“Tol, wala ka naman palang binatbat eh. Hanggang tingin ka lang pala kay Emily eh.” Sabi ng kaibigan niyang si Mark habang nasa bar sila at si Emily ang topic.

Umiiling iling lang si Blake sa mga sinasabi ng bestfriend niya.

Siya si Mark ang bestfriend niya na walang ginawa kundi ipamukha sa kanya kung gaano siya katorpe kay Emily.

“Tol, iba talaga si Emily eh. Para siyang Diyosa. Hindi ko siya mahawakan.”

“Eh paano ba yan tol, diba next week eh maghohold ng party ang parents niya at invited kayo?” tanong ni Mark sa tonong nang-aasar.

Biglang napatigil si Blake. Hinihiling niya na sana makausap niya sa Emily sa nasabintg party.

Mabilis na tumakbo ang mga araw. Dumating na ang araw ng party na pinakahihintay niya. Katulad ng inaasahan maraming mga businessman ang invited. Kasama sa invited ang parents ni Blake. Wala naman talaga siyang hilig sa business. Nanatili siya sa gilid nang biglang may lumapit sa kanya.

“Hindi ka ba nag-eenjoy sa party?” lumingon siya sa pinanggagalingan ng boses. Nabigla siya sa nakita. Emily is standing infront of him.

“Huh? Ah medyo.”

“teka, you’re Blake right? Diba sa schoolmate tayo?”

Tunango si Blake.

Sa wakas nakausap ko na rin si Emily.

Maraming napagkwentuhan ni Emily at Blake. Ayaw na sanang matapos ni Blake ang gabi na iyon. Hanggang sa school pakiramdam ni Blake ay heaven parin.

“Tol, nakausap mo lang siya. Daig mo pa ang babae kung kiligin.” Sabi ni Mark na may kasamang batok.

“ARAY!!!. Antay ka lang tol. Magiging close kami at liligawan ko siya.”

Maya-maya biglang tumunog ang cellphone ni Blake.

“Oh,sino nagtext?”

“Si Emily. Nagyayaya. Labas daw kami. Sige tol, mauna na ako sayo.” At umalis na si Blake.

Nagkita sila ni Emily sa isang malapit na mall.

Lalong lumaki ang pagkamangha ng binata sa itsura ng dalagang kanyang nakita. Kumain sila sa isang sikat na restaurant. Nasundan pa ang mga paglabas nilang dalawa.

“Tol, inlove na ata ako.” Sabi ni Blake sa kanyang bestfriend habang tulala

“Ako rin.” Biglang pagsabat ni Mark.

Nagulat si Blake sa narinig.

“Talaga? Kanino?Diba may girlfriend ka?”

“Teka teka, FYI wala akong girlfriend. Taga doon siya sa Law school. Kaso lang may boyfriend siya.”

“Ahhh. Tol, ligawan ko na kaya si Emily?”

The Missing PieceWhere stories live. Discover now