Chapter 5- Blake

541 11 2
                                    

Ayan si Blake na ulit ang Bida....

Enjoy mga readers.....

(Kung meron man.)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hay naku. mukha talagang timang si Mark.

Biruin niyo, ang playboy na katulad niya, nagawang patahimikin ng isang babae.

Well,ang malas naman ng babaeng yun. Isang Mark Joseph Altamira ang nagmahal sa kanya.

I was driving may BMW papunta sa meeting place namin ni Emily. Sabi ko sa kanya, magsabay na kami pero wag na daw.

Dumaan muna ako sa flower shop.

Gusto ko nang sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pero, gusto ko sana something special na hindi niya makakalimutan.

Palabas na ako nang flower shop nang makita ko ang mga kaibigan niyang sina Jessa, Mimi at Thea. Nakaupo sila sa labas ng isang sikat na coffee shop at may kausap sa Cellphone. Nakaloudspeaker ito para marinig nilang tatlo. Palapit na ako, gugulatin ko sana pero, mas nacurious ako sa pinag-uusapan nila.

“God, girl. Ang cheap mo ha. Ikaw pa talaga ang nagyaya sa kanya ha.” Ang sabi ni Mimi.

“Eh, as if naman yayayain ako nun. Torpe yun remember?” sabi naman ni Emily sa kabilang linya

“Ano nandyan na ba siya? Grabe ha, kapal ng mukha para pag-antayin ang babae.” Sabi naman ni thea

Medyo tinamaan ako sa sinabi ni thea. Aalis na sana ako nang marinig ko si Jessa.

“Girl, kawawa naman si Blake, once na sinabi mo sa kanya na pinaglalaruan mo siya. Gosh! I can imagine his face. Bakit hindi mo kaya yun gawin sa gitna ng campus?” at tumawa ang tatlo. Pati si Emily naririnig kong tumatawa sa kabilang linya.

What? Emily is just playing with me? Pero, seryoso ako sa kanya . Bakit ganun, kung kailan ako naging seryoso, saka naman ako masasaktan ng ganito?

 Umalis ako kaagad at pinuntahan si Emily. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na tumulo. Galit ako sa kanya, pero ngayong nakita ko siya, she’s really stunning.

Nakita kong binaba niya ang phone niya. Ngayon lang ata sila natapos mag usap ng mga kaibigan niya.

“Hi, kanina ka pa ba?” pagsisinungaling ko. Pilit kong tinago ang mga luha ko

“Hmm. Hindi naman. Why? Is there something wrong?” ang  pagsisinungaling niya.

Nagagalit ako sa kanya dahil sa mga panlolokong pinaggagagawa niya ngayon.  Pero, anong magagawa ko? Wala akong karapatang magalit sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpaloko ako sa kanya.

“W-wala. Here, for you.” Inabot ko ang bouquet of flowers na binili ko.

“Thanks. Ang ganda naman. Sit down halika na at kumain na tayo.” At tinawag na niya ang waiter.

Kinuha na ng waiter ang order namin at umalis.

“E-emily. I want to say something.” Please, sabihin mong mahal mo rin ako at hindi na ako magagalit sayo.

“What is it?” tanong niya.

Huminga ako ng malalim at ibinuga ko ang lahat ng gusto kong sabihin

“E-emily, I love you.” Napatigil siya sa sinabi ko.

“Well, thanks. Pero, I want to be honest with you...”

“Honest? Alam ko na ang lahat Emily. You’re just playing games with me. Itigil na natin ito.

Lalo siyang natigilan sa sinabi ko.

“Willing akong maghintay sa’yo. But please don’t play games with me. Dahil malinis ang intensyon ko para sa iyo. Mahal kita at totoo yun.” At hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya kaagad un.

Maya-maya pa ay dumating na ang waiter. Nagdinner kami nang walang nagsasalita sa aming dalawa.

Nagpakiramdaman hanggang sa matapos kami.

“Hatid na kita.” Sabi ko sa kanya.

“No thanks. And please pwede bang lumayo ka na sa akin bukas sa school. I don’t want to see your face anymore.” At naglakad na ito paalis.

Ang sakit sakit.

Kung kelan ko naman nakilala ang babaeng para sa akin saka naman ako masasaktan.

Maya-maya biglang bumuhos ang ulan. Kasabay nito ang pagbuhos ng luha na kanina ko pa pinipigilan

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

OM!!!

wawa naman ang magbestfriend. Parehong sawi.

tsk tsk tsk....

COMMENTS MGA PRENDS :))

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon