Chapter 4- Mark

627 9 3
                                    

Yan dahil maikli ang last chapter, si MArk padin ang bida ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maaga akong pumasok ngayon sa school. Gusto ko kasing makita si Courtney. Birthday niya kasi ngayon. At ibibigay ko itong gift ko sa kanya.

Pumunta agad ako sa room namin. MAgkaklase kasi kami sa first subject. Hinanap ko siya pero hindi pa ata dumarating.

Balak ko sanang iwan nalang sa table niya ang teddy bear na binili ko for her. Pero, naisip ko na mas maganda kung personal kong ibibigay sa kanya.

Iniwan ko muna ang teddy bear sa table ko at pumunta sa C.R. NApadaan ako sa isang staircase nang makarinig ako ng may naglalampungan.

"Ano ba nakikiliti ako. " Sabi nung girl

"Wag kang maingay baka may makarinig satin. Pareho tayong expel kapag nangyari yun." sabi naman nung boy.

"Terrence, paano na si Courtney?" ang tanong nung girl.

Hindi na ako nagulat sa nasabing pangalan nung babae. Pero, ang ikinagulat ko ay ang isinagot ni Terrence sa kanya.

"Hindi ko naman talaga mahal yung Courtney na yun eh. PAg nakuha ko na ang gusto ko sa kanya. Makikipagbreak na ako. After all, ikaw naman talaga ang mahal ko eh." at kitang kita kong hinalikan ni Terrence ang babae na nakaupo pa sa lap niya.

Hindi ako mapakali. Ano ba ang gustong makuha ni Terrence kay Courtney?

Ay Mark, ang tanga tanga mo. Bobo. Malamang yung Virginity ni Courntney. Sixteen Years old palang ito,  

At first boyfriend niya si Terrence, kaya malamang wala pa ngang nakakagalaw dito.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinila ko ang babae at itinapon. NApaupo siya sa ginawa ko. Agad kong  

hinawakan ang kwelyo ni Terrence.

"Gago ka talaga, Terrence Pelaez. Wag na wag mong sasaktan si Courtney, kung hindi ako ang makakalaban mo!" sabay suntok sa kanya. Napaupo siya sa sahig.

Maya-maya ay tumayo siya.

"Now, look who's talking. BAkit ako lang ba ang nananakit ng babae? Hindi ba't PLAYBOY karin?"

PArang natapakan ang ego ko sa sinabi niya. At sinuntok ko ulit siya.

"TAMA NA!!" NAgulat at napatingin kami pareho sa sumigaw. Saka ko lang napansin na marami na pala ang nanunuod sa amin.

"Nasaktan ka ba ha, Terrence?" sabi ni Courtney.

PArang nawala ang galit ko sa boyfriend niya nang marinig ko ang mala anghel niyang boses.

MAya-maya ay tunayo si Courtney at lumapit sa akin. PAra akong nadikit sa kinatatayuan ko.

Dug dug 

Dug dug 

Dug dug

palakas ng palakas ang tibok ng puso ko nang palapit siya nang palapit sa akin

SHIT!!!

ang ganda talaga niya. I can't believe this!

"Ano bang ginawa sayo ng boyfriend ko para suntukin mo ha?"

natapos ang pagdi day dream ko anng narinig ko siya.

"H-ha?" pakiramdam ko ay napahiya ako sa nasabi ko.

"Mr. Pelaez and Mr. Altamira, please proceed to my office. NOW!" sabi ni Mrs. Perez, ang disciplinary officer ng school namin.

Grabe, ako na nga ang nagmamalasakit, ako pa talaga ang napasama. Kung hindi ko lang talaga mahal si Courtney, I will never do this to her.

****************************************************************************************************************

Pumunta ako sa bahay nila Blake after my class. Sabi sa amin, two day suspension daw ang parusa sa nangyari sa amin.

Walang pasok sila Blake kaya, doon ako makikitulog sa kanila. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat nang nangyari, pati ang mga naramdaman ko, habang papalapit sa akin si Courtney. Pero, hindi ko sinabi sa kanya na Courtney ang pangalan ng girl. KApag sinabi ko kasi, Mang-aasar na namana ng mokong na to.

"HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA." yan ang reaksyon niya pagkatapos kong magkwento.

"Anong nakakatawa?" sabi ko sa kanya na may masamang tingin

"AHAHAHAHAHAHAHAHHA. eh kasi naman . HAHAHAHAHAHAHAHHAA.. yung play ... AHAHAHAHAHAHA"

Ha? ano daw?

"BAhala ka nga diyan. PAgamit ng kama mo ha." sabay higa sa kama niya.

"Sige lang 'tol. Tulog lang diyan. MAy date ako ngayon." sabi niya pagkapasok ng banyo.

Date? Sila na ba? Ang mokong talaga, hindi nagkukwento.

HAyyss....

Bala nga siya. Goodluck!!

Narinig ko siyang lumabas ng banyo, at naramdaman kong nagbibihis siya sa walk in closet niya. PAsipol sipol pa ang loko.

Hindi ko na alam ang susunod niyang ginawa. Puro kasi si Courtney ang nasa isip ko.

EWAN!!!!!!!!!

MAHAL KO SIYA!!

AT GAGAWA AKO NG PARAAN PARA HINDI SIYA MASAKTAN

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ayos ba??

The Missing PieceWhere stories live. Discover now