Chapter 7- BRENT

498 7 0
                                    

Hayyysss...

eto na naman tayo....

Kitang kita ko parin sa mga mata ni Jenna kung gaano niya kamahal ang lalaking nanloko sa kanya. Ang lalaking walang ginawa kundi saktan siya.

Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi niya mapansin na ako ang knight in shining armor niya na kaya siyang ipagtanggol kahit kanino?

ang clown ng buhay niya na kahit sa pinakamalungkot niyang sandali ay kaya ko siyang pangitiin at marinig ang masaya niyang halakhak.

Ako si Brent Montereal. Heartrob daw ng HM (Hospitality MAnagement). Pero, wala akong pake sa sinasabi nila.

Anong gagawin ko sa pagiging heartrob ko kung hindi naman ako ang mahal ng taong mahal ko?

Oo. Mahal ko si Jenna.

kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.

Paano nga ba humantong ang lahat sa ganito?

FLASHBACK

Kagaya nga ng sinabi ko tinuturing ako na heartrob sa program namin. Pero, wala akong pakialam doon. As long as masaya ako at mahal ako ng girlfriend ko.

High school palang kami ni Mimi nang naging girlfriend ko siya. Hanggang college, iisang school ang pinasukan namin para hindi na kami magkahiwalay pa.

She took up Journalism samantalang ako, I took up Hospitality management.

Noong una, maayos ang takbo ng relasyon namin. Parang walang nagbago.

Pero, nagulat nalang ako isang araw nang,

"Break na tayo." sabi niya sa akin nang nakaupo kami sa isang table sa canteen.

"W-what?" gulat na gulat na tanong ko. Halos maibugako sa kanya ang laman ng bibig ko.

"Break na tayo. Ayoko na Brent. Hindi na kita mahal. Itigil na natin to." At tumayo siya sa kinauupuan niya at umalis.

 Buong araw kong pinag-isipan kung ano ba ang nagawa kong masama.

Pumunta ako sa park malapit sa school. Tamad na tamad na talaga akong pumasok kaya hindi ko na pinasukan ang last subject.

Naupo ako sa swing. Hindi ganoon kadami ang tao kaya wala ring makakapansin sa pag-iyak ko.

"SHIT!" sabi ko sa sarili ko habang nakayuko at tumutulo ang luha.

"Sino minumura mo diyan?" nagulat ako sa nagsalita. Tumingala ako para tignan kung kanino nanaggagaling ang boses.

Nagulat ako nang makita ko si Jenna na nakangiti sa akin.

"Wow! si Mr. Heartron umiiyak" at ngumiti pa na parang nang-aasar.

Saka lang ako natauhan na may luha pala sa pisngi ko.

"Oh, heto ang panyo." at inabot niya sa akin ang panyong kulay pink.

"Punasan mo yang luha mo. Kay gwapong lalaki umiiyak." inabot ko ang panyo at umupo sa kabilang swing.

"Alam mo, kesa umiyak ka diyan bakit hindi mo nalang ikwento sa akin ang nangyari. Don't worry mapagkakatiwalaan naman ako eh."

Tinignan ko siya sabay irap.

"Bakit ko naman gagawin yun? Eh hindi nga kita kilala eh. Tsaka hindi tayo Close."

"ok. Then, let me introduce myself. I'm Jenna Mariz Escudero. HM din katulad mo." at inabot niya ang kamay niya para makipagshake hands.

"Hi." matipid kong sagot.

"hahahahaha. You really don't remember me? Blockmates tayo. Ganyan ba kalakas ang tama mo kay Mimi at hindi mo kilala ang mga taong nakakasalamuha mo araw-araw?" seryosong sabi niya.

"at isa pa, kapag sinolo mo ang problema, may chance pa na magkaroon ka ng cancer. or baka madepressed ka pa. Hindi ka na magiging heartrob." at tumawa pa ito. At that moment. napatingin ako sa kanya.

Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong tawa. Ang sarap pakinggan. Para bang anghel na tumatawa galing sa langit

Tama siya. Kesa naman magmukmok ako, better yet ikwento ko sa kanya ang lahat. She listened to me. Habang nagkukwento ako, hindi ko napigilang maiyak. Siya naman, hinahagod niya ang kamay sa likod ko para damayan ako.

Gabi na ng matapos kaming magkwentuhan. Buong gabing iyon, ako lang ang nagkukwento sa kanya.

"Thanks for listening." sabi ko sa kanya.

"Wala yun." At tumayo siya para yakapin ako.

"Uwi na tayo." at hinila niya ang kamay ko.

Our hand met. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mgaoras na yun. PAra bang may kuryenteng dumaloy mula sa mga kamay niya papunta sa akin.

Nang makarating kami sa isang intersection, we seperate.

Nilingon ko siya, sabay sabing. "TABA!" nilingon niya ako na nanlilisik ang mata. Kahit natatakpan ng eyeglasses niya ang mga mata niya, pakiramdam ko tatamaan ako ng kidlat sa tingin niya

"Wag mo akong tawaging taba! Cute ako! hmmp!" at tumalikod siya sa akin. Ang cute niya palang asarin.

Dahil nga pareho kami ng course at blockmates pa, lalo kaming naging close ni Jenna. She became my friend, then my bestfriend. until i start to love her and treat her as my special someone.

Pero, may problema.

"Best, may what if ako sayo." sabi ko sa kanya habang nagpapracticum kami. Partner kasi kami.

"Ano yun?" tanong niya habang naghihiwa

"What if, sabihin ko sayong mahal na kita? anong gagawin mo?" kinakabahan ako sa isasagot niya. Second year kami at that time.

Tumigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako sa mata.

"Best, mahal kita. I treat you as my little brother. Yun lang. At isa pa walang talo-talo. BESTFRIEND TAYO DIBA?" at tinuloy na niya ang ginagawa niya.

"OUCH!" pakiramdam ko nung mga panahong yun. pakiramdam ko ay tinutusok ng maraming karayom ang puso ko tapos para bang may pumupunit nito.

For th second time, I was being dumped. Yan ba ang tinatawag nilang HEARTROB? Torpe sa taong mahal niya?

END OF FLASHBACK

"UY!" nagulat ako kay Jenna.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Si Mimi na naman ba?" at naupo ito sa tabi ko. Kitang kita ko na namumula ang mga mata niya.

"Umiyak ka na naman?" sabi ko sa kanya.

"Kalimutan mo na siya. Ibibigay ko sayo ang lahat." sabi ng utak ko.

"Dito ka na matulog best. Parang hindi na titila ang ulan eh."sabi nito.

"Oo. babantayan ko si Blake. Baka reypin mo"

"ULOL!"

Ang ganda talaga niya kapag naasar siya. I love her bubly and red face.

I Love her.

I'm inlove with my bestfriend

kailan ko kaya masasabi sa kanya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

sa lahat po ng nagbabasa please comment naman po :))

The Missing PieceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin