Chapter 39

56.8K 1.2K 38
                                    

Step # 5: Show him that there are plenty more fish in the sea.

Saktong pumasok si Nick sa sala.

"Is James here,honey?" he asked bago hinalikan si Stacey then si Amara na karga nito.

"Hi Heather." bati nito sa hipag.

"Hello." nakangiting ganting bati ni Heather as she settles on the couch.

Natawa si Stacey.Nick sat next to her.

"Wala, joke lang honey."sagot niya.

"What are you two up to?"he asked frowning slightly.

"Pinagseselos namin si Blake." sabi ni Stacey.

Sinabi niya sa asawa bago sila umuwi ng Pilipinas na nobyo na ni Heather si Blake.Hindi na niya dinetalye lahat-lahat.Maliban sa gusto niyang mag-bonding sila ng kapatid ,she told him na may LQ ang dalawa kaya mas maganda sa bahay muna nila ito .Her husband actually felt happy na okay na sila.He said na welcome na welcome ang kapatid niya anytime.

Ibibili nga dapat ito ng kotse but ayaw ni Heather.Nalaman kasi nila na galing kay Blake ang gamit nitong sasakyan kaya ipinasoli nito kay Eve.

So ang nangyari yung kotse dati ni Stacey na binili ni Nick ang ipapagamit sa kanya,minus the tracking device syempre.

"Honey,pwede labas tayo mamayang tatlo?Kitain na lang natin sila Billy sa bar.For sure naman hindi mo kami papayagan na kami lang ang aalis." lambing niya sa asawa.

Kinuha ni Nick si Amara from her.

"Okay." sabi nito as he kisses their baby's forehead.

Nagkatinginan ang magkapatid then they both smiled.

Kahit nakingiti si Heather,hindi niya maikakaila na miss na miss na  niya si Blake.

But alam naman niya na gusto lang ni Stacey at Eve to help  kaya she will just have to trust them.




Akala ni Eve hindi niya maawat ang pinsan.

Galit na galit ito as expected.He wanted to go sa bahay nila Nick and Stacey to see Heather.

Pero syempre planado naman lahat so kailangan kalkulado ang mga sasabihin niya at gagawin.

"Hindi mo siya mababawi sa ganyang style mo! Mababad-shot ka pa kay Stacey.Ikaw din, pag lalong nagalit sayo si Heather baka bumalik na ng Australia yun."she said habang nagkakape sila sa kusina.

"Susundan ko siya dun!Mas maganda nga siguro para makausap ko na ang mga magulang niya." he said out of the blue.

Tumaas ang kilay ni Eve.

"Tama ba ang narinig ko?Kakausapin mo ang mama at daddy niya?Seryoso?" paninigurado niya.

Isinubsob ni Blake ang mukha sa mga kamay .

"FUCK! Ewan ko!! I don't even know what's happening to me! Kung ano-ano na ang ginagawa ko at sinasabi ko!! " he rasped as he combs his hair with his hand.

Eve just looked at him intently.

"What do you exactly feel for Heather?You can tell me anything..alam mo yan." she said.

Sinabunutan ni Blake ang sarili.

"My body badly craves for her.Mula ng magkita kami ulit, I only wanted her..siya lang! No matter how hard I tried to be with other women, siya pa din ang palaging naiisip ko." he confessed.

Nailing si Eve.

"So ano yan? Puson mo ang pinaka-apektado? Ang dali lang naman pala ng solusyon ng problema mo eh!Eh di magsarili ka na lang habang tinititigan mo ang picture niya kung ayaw mo ng ibang babae! Solve ka na nun!" she said sarcastically.

The Vixen's Man (English version @ BravoNovel &Novelcat )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon