Chapter 19

59.7K 1.4K 42
                                    

 Hindi pa din niya makalimutan kung gaano nalukot ang mukha ni Blake when she refused sa gusto nitong gawin sa kanya.He got angrier when she  told him na pag nagpumilit ito,she will back out of their agreement.Lalo siya nitong hindi matitikman.

He then cursed furiously and put on his shirt then slammed the door after him.

She smiled triumphantly paglabas nito.



She used the stairs that morning.Mahirap na baka magkita na naman sila sa elevator ni Blake.

She feels suffocated.Kahit hindi kasi niya ito nobyo,for the past few days palagi na lang nagku-krus ang landas nila.






Pagpasok pa lang niya ng shop nakita na niya si Vannie sa nakaupo sa office chair ng mama nito.

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang na DOA na siya agad-agad.

She went straight to her table to get ready for work.

"I am going to be your boss today.Wala si mama.I want you to make some patterns of  women's tops.Lahat ng garments na gagamitin ikaw din ang pumick-up.Hindi available ang service car  so mag-commute ka." tumayo ito and lumapit sa lamesa niya.She tossed  a business card on her table.Dito niya kukunin ang mga tela.

"I want all the designs after lunch.I will check them.And late in the afternoon, dapat gawa na ang  mga patterns dahil titignan ng kliyente" malamig na sabi nito.

"Pero may pinapatapos pa ang mama mo.Yung gown na gagamitin sa debut ng pinsan mo..At yung mga orders ni Miss Lopez na tops and bottoms." Heather said.

"Are you deaf? I just told you na wala si mama di ba? I am the boss.So you do what I tell you to do." supladang sabi nito.




Gigil na gigil na si Heather.Sa lahat ng ayaw niya yung ginagawa siyang tanga.Obviously pinapahirapan talaga siya ni Vannie all because of Blake.

Ang bruha, by appointment pala dapat ang pag-pick up ng mga garments.The secretary said na wala namang appointment ang Carla's Boutique sa araw na yun.But she said that since suki sila, she told her to wait kasi she will ask her boss kung  pwede siyang isingit.

She waited for two hours dahil nasa meeting ang may-ari.

She had to carry all the materials by herself .Tapos sobrang hirap pang kumuha ng taxi sa lugar dahil papasok ito sa isang exclusive subdivision.She had to walk for 15 minutes para makakuha ng ma-sasakyan.Imagine, ang bigat ng dala niya,ang init pa ng sikat ng araw tapos gutom na gutom na siya dahil hindi  siya nag-breakfast. Mukhang late pa ang lunch niya dahil sa kagagawan ni Vannie.

By the time na nakabalik siya sa shop, ang lagkit ng pakiramdam niya and  she is starving.Sinusumpong na siya ng ulcer niya.

Pagpasok niya sa opisina ng boss niya, Vannie is on the phone.

Padabog na ibinagsak niya ang dala-dala sa sahig.

"Sorry talaga cupcake.I will make it up to you later.I miss you." maarteng sabi nito sa kausap.

Natigilan si Heather.

Mukhang si Blake ang kausap nito.Dahil yata sa pagod at gutom parang nag-init ang ulo niya nang maisip na hindi tutupad ang manyak na yun sa usapan nila.Mukhang makikipagkita pa sa malanding si Vannie. Malalagot sa kanya mamaya ito.She will go to his gym after work.

The Vixen's Man (English version @ BravoNovel &Novelcat )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon