Pero kilala ko na ito kaya hindi niya matatago sa akin na nag-aalala rin siya.




Someone's POV

"Long time no see, Boss ah!"

"Sit down." Tsssk. Hindi pa rin pala 'to nagbabago.

"Ano'ng bago sa atin ngayon, Boss?"

Hindi ito sumagot. Sa halip, may inabot lang sa akin na isang envelope. Binuksan ko iyon at may laman itong isang litrato kasama ng pera. Ayosss! Bagong trabaho na naman ito.

"Ano'ng gusto mong gawin ko rito, Boss?"

"Alamin mo lahat ng pwede mong malaman."

"Iyon lang?"

Tiningnan niya lang ako nang masama.

"Sus! Sisiw lang 'to, Boss. Sigurado kang iyon lang? Wala bang mas ikakathrill ko?"

"Be patient."

"Sabi mo eh. Basta parehas lang din ng bayad, walang problema."

Hindi na niya ako sinagot at umalis na lang.

Tiningnan ko uli ang nasa litrato.

Natawa na lang ako. Sino naman kaya 'to? Tsktsk. Kawawang nilalang...



Sherlyn's POV

"Kamusta na po kayo, Ma'am Jane?"

Nandito ako sa department kung saan napromote si Ma'am Jane. Naging malapit ako rito kay Ma'am Jane dahil siya na rin ang tumulong sa akin noong baguhan pa lang ako sa trabaho ko.

"Ay naku bata ka. Kami okay lang, ikaw okay ka lang ba?"

Ngumiti lang ako. Alangan namang sabihin ko lahat ng mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang linggo?

"Oo nga ateng! Bigla kayong nawala ni Mr. Alcantara..." Sabat ni Maxine pero Maximo ang tunay na pangalan niyan. Alam niyo na.

"Tama! Usap-usapan talaga kayo rito sa buong opisina pero sobrang pagtatanggol naman kami sa inyo nito ni ateng at ni Ma'am Jane. If we know naman, jealous much lang sa'yo mga tao rito. Tsktsk." Inis na sabi naman ni Jessa.

Si Maxine at Jessa lang ang malapit na kaibigan ko rito sa opisina maliban kay Ma'am Jane. Iyong iba kasi galit yata sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Mag-best friend na mula pagkabata 'yang dalawa. Kaya iyang si Jessa, magandang bata pero lumaking dalagang bakla. 24/7 ba naman silang magkasama ni Maxine eh. 

"Kayo talaga. Pero salamat talaga mga ateng ahh. Pati na rin po sa inyo, Ma'am Jane. May inasikaso lang din kasi si Sir Paul para sa kompanya kaya bigla kaming nawala pero naayos naman na niya."

"Sabi na nga ba. Mga inggitera talaga rito, malalandi na nga, makakati pa mga dila. Haysst. Kainis!" Madali talagang mahighblood itong si Jessa.

"Hayaan mo nga sila ateng. Eh sa ganda ba naman nitong si ateng natin, may rason silang mainggit." Natawa naman kami sa sinabi ni Max na nilalaro ang buhok ko.

"Hindi ka pa ba babalik sa taas?" Tanong ni Ma'am Jane sa akin.

"Mayamaya na po siguro. Bumaba muna po ako galing doon kasi nag-uusap pa naman sila ni Kael... I mean, Sir Michael. Ipapatawag na lang po siguro ako ni Sir Paul kung tapos na sila."

Nagtanguan naman silang tatlo pero tumaas ang isang kilay ni Max. Gusto ko hampasin bibig ko. Nasanay na kasi ako na Kael ang tawag sa kanya.

"Ayy ateng, sobrang close talaga kayo ni Sir Michael?" Tanong ni Max.

Napatingin naman ako kay Ma'am Jane. Alam ni Ma'am Jane na malapit kaming magkabigan ni Kael at ang alam niya rin ay ganoon rin kami ni Paul. Tumango lang siya.

"Oo, medyo? Magkaibigan na kasi talaga kami ni Sir Michael bago pa ako nagtrabaho rito sa kompanya."

Alanganing ngumiti ako. Totoo naman iyon. Magkaibigan na kami ni Kael kahit noong driver pa lang ako ni Paul. Nakanganga lang sa akin ang dalawa. Gusto kong matawa sa itsura nila pero pinigilan ko na lang. Si Jessa ang unang nakarecover.

"Grabe ka, ateng! Parang gusto kitang kantahan ngayon ng 'Ang haba ng hair, nagpasalon ka ba girl? Ang haba ng hair, sa'yo na ang korona!' Ikaw yata dapat ang modelo ng Rejoice shampoo eh."

Nagkatawanan naman kami.

"Oo nga, ateng. Hindi mo man lang sinabi. Alam mo bang sa ilang taon naming nagtratrabaho rito, hanggang pangarap na lang namin ang pansinin ni Sir Michael at Sir Paul? Kaya kapag ngumiti kahit kanino sa mga nandito si Sir Michael, heaven ateng! Heaven!" Sabi ni Max na parang naghihysterical.

Ganoon ba talaga rito? Kung sabagay, mahirap silang sisihin. Kahit sino naman. Eh parehong gorgeous bachelors ang dalawang iyon eh. Papangarapin nga talaga sila ng kahit sinong babae.

Nagulat na lang kami nang may tumikhim mula sa likuran namin na dahilan para ikalaglag-panga ng lahat ng nandito sa department nina Ma'am Jane, especially Jessa and Maxine.

"Good morning Sir Paul, Sir Michael." Bati sa kanila ni Ma'am Jane habang ako, pilit ko pa ring pinipigil ang matawa.

Ang epic kasi ng mga itsura ng mga tao sa paligid namin. Hindi mo alam kung naiihi o natatae o naeewan. Haha! Pero bumati na lang din sila sa dalawang bossing na nasa harap namin ngayon.

Seryosong tango lang ang sinagot ni Paul. Si Kael naman ay ngumiti lang at nag-good morning din kay Ma'am Jane. See the difference? Haha. Pero mag-best friend 'yan.

"Let's go." Utos sa akin ni Paul at agad nang tumalikod. Ngingiti-ngiti lang si Kael.

Agad na akong nagpaalam kina Ma'am Jane at sumunod sa likuran nila.

"Naks, Pre. Ang sweet naman at sinundo talaga si girlfriend." Narinig kong bulong ni Kael kay Paul.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ahmp 'Sir'? Saan po ang punta natin?" I need to be formal kasi nadadaanan pa namin ang mga co-employee ko at naririnig nila ang pagsasalita ko. Palapit na kami sa elevator. Wala kasi akong maalalang meeting niya ngayon.

"Lunch."

"Sh*t Pre! Huwag ganyan. Kinikilig ako." Natatawang sabi ni Kael.

"Hindi ka kasama." Seryoso pa rin niyang sabi.

Nagkatawanan naman kami ni Kael. Nasa loob na kami ng elevator and as usual, kami lang ang nasa loob. Hindi na sumabay ang ibang empleyado.

Tiningnan niya kaming dalawa nang masama kaya agad na kaming tumahimik.



Like 'Who's the boss?'...

-----

A/N: (September 2013)

Ginawa ko po itong update na 'to para lang mawala kahit saglit ang takot na nararanasan namin ngayon.

4 days na kaming gumigising at natutulog while hearing all these random gunshots, explosions, and helicopters outside our dormitory. Malapit lang kasi ang dorm namin kung saan nagpapalitan ng putok ang mga militar at rebelde.

Opo, nasa Zamboanga ako ngayon for my college studies. Help us pray!

Trauma na ang inaabot namin na kaunting may marinig lang kami, naninigas ang buong katawan namin na parang pakiramdam namin malapit na sa amin ang mga rebelde. Palagi na lang kaming kinakabahan. But we have to be strong.

#PrayForZamboanga

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon