Mint Academy ▒ Chapter one

128K 3.4K 1K
                                    

Author's note: the first chapter is up thanks to LIGHTS_Society and Eyka-chan for doing the cover for this story. Salamat po talaga. Enjoy reading 😄

EDITED!!!!

MINT ACADEMY

Akesia Cyrene Mendrez. 16 years old.

Kasalukuyan ako ngayong pinagtitinginan at pinagbubulungan dahil sa uniform na suot ko. Kung sabagay, wala naman kasi nakakapasok sa school na 'yun nang basta basta.

Mint Academy, also known as Brain School, why brain school? Lahat kasi ng tao doon matatalin. Sabi sa 'kin, hindi lang daw basta matalino ang mga nandoon kund mas pa raw sa inaasahan ko. 'Yun ang pinagtataka ko ngayon sa sarili ko. Paano at bakit ako nagkaroon ng letter of acceptance mula sa school na 'yun e 'di naman ako kasing talino nila. Also, 'di ako magaling sa academics!

"Wow, may isa na naman sa village natin na nakapasok sa Mint Academy."

"Kailangan ko na rin ata pag-aralain ng husto ang anak ko para makapasok din sa Mint Academy."

"Dapat siguro maghigpit na rin ako sa pag-aaral ng mga anak ko."

And so on.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga narinig ko. Seriously? Anong akala nila madaling mag-aral? Kung hindi talaga forte ng isang tao ang pag-aaral pipilitin nila para lang makapasok sa school na 'yun? Hindi naman sa minamaliit ko sila pero ang sabi kasi sa 'kin mahirap talaga makapasok doon.

Hindi ko alam kung ano ang laman ng exam nila basta ang naririnig ko lang noon ay mga riddles and cases, advance subjects and so on. Hindi ko na inintindi 'yun dati dahil hindi ko naman akalain na makakapasok pala ako roon.

Basta ang sabi sa letter san a binigay sa akin ay pasado ako at hindi ko na kailangan pang mag-take ng exam. Kahit nga si mama nagulat doon e. Sin ba naman ang hindi magugulat kung makakapasok ka sa isang pangmatalinong school kahit hindi ka naman matalino, 'di ba? Pero kahit na ganoon pa man, sobrang proud sa 'kin si mama.

Ngayon na nasa harapan na ako ng school at marami na akong nakikitang estudyante na pumapasok ay mas lalo pang bumundol ang kaba sa dibdib ko. Parang feeling ko ay may something sa gate na hindi ko naman mapaliwanag. Tumingala ako at tiningnan ang arko sa taas ng gate na may naka-engrave na Mint Academy. May banner din naman na nakalaylay na nakalagay ay 'Welcome to Mint Academy, Freshmen'.

Excitement and fear creep into my heart.

Akma n asana akong papasok nang may makabangga sa 'kin mula sa likod kaya naman napatingin ako.

"Hala, sorry!" kaagad niya na sabi sa akin at gaya ko ay may dala rin s'yang maleta.

"It's okay. Bago ka rin?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya nang marahan sa akin. I smiled. "Ako rin," kaagad ko na dagdag.

"Wow, nice! At least hindi na ako mahihirapan. Ako nga pala si Alyana." Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay at kinuha ko naman 'yun.

"Akesia," pagpapakilala ko rin sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa at saka kami naglakad. "Bakit ka nga pala nagmamadali?" curious ko na tanong.

"Akala ko kasi late na 'ko," sagot naman niya at saka siya nag-pout.

She's cute.

"Masyado pa naman maaga ah," sabi ko habang nakatingin sa wrist watch ko. "'Di ba ang start daw ay eight? Six pa lang naman oh." Pinakita ko naman sa kaniya ang relo ko at saka siya napatingin sa relo niya.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon