Isa itong putting tube na madaming nakasabit na kung ano-ano na mas lalong nagpapatingkad sa kulay nito.



Sa pang ibaba ko naman ay isang maikli na short na kagaya rin ang kulay sa pang-itaas ko nakabukas rin ang butones nito at hindi na pwedeng isara dahil sinadyang hindi lagyan ng butones.



Muli kong tinignan ang aking repleksiyon sa salamin.



Alam kong kung yuyuko man ako ay makikita na ang kaluluwa ko dahil sa may bakal pala ang bra na nasa loob ng tube na suot ko.



Dahil kasi doon ay nakaangat ang dibdib ko at kitang-kita ang hati nito sa gitna o iyong tinatawag nilang cleveage.



Humugot ako ng malalim na hininga at tinungo na ang entrance ng stage.



Hindi pa ako nagpapakita ay dinig na dinig ko na ang hiyawan at halakhakan ng mga lalaki roon.



Sa aking tansiya'y karamihan roon ay mga lasing na at ang iba nama'y inaantay ang paglabas ko.



"Vexa! Vexa! Vexa! Vexa!"



Pumikit ako ng mariin ng marinig ko ang pangalan na siyang tinatawag sa akin sa tuwing sumasayaw ako para sa kanila.



Mga ilang kaibigan ko lang at ang humahawak sa amin ay may alam ng tunay kong pangalan.



Maganda raw iyon dahil mas patok sa mga manonood ang dating ng pangalan ko.



Pag-tunog ng kantang aking gagamitin sa pagsayaw ang siyang naging hudyat upang lumabas ako sa aking kinaroroonan harapin ang mga hindi ko kilalang lalaki.



Mas naging maingay ang loob ng bar.



Mas lalong naging malakas ang sigaw ng mga lalaki sa aking harapan ang iba'y naglalabas na ng kani-kanilang mga pera kahit na hindi pa ako nagsisimulang gumalaw.



Pinakinggan ko ang uri ng kanta na siyang gagamitin ko sa pagsayaw.



~You make it look like it's magic


Cause I see nobody, nobody but you, you, you


I'm never confused


Hey, hey

Celine✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora