“Manahimik ka! Punyeta!” sigaw niya pabalik sa akin ng akmang hahawiin na ang kurtina at lalabas.

“Pakawalan niyo ako! Tulong! Tulong! Pakiusap! Huhuhu”

Sa isang iglap ay nasa harapan ko na pala siya at hindi pa ako nakakarekober ay muli kong naramdaman ang paglapat ng magaspang niyang palad sa aking kanang pisngi.

Nalasahan ko pa ang mala bakal na dugo ko galing sa aking labi.

Nakasama kasi iyon ng sampalin niya ako.

Patuloy parin ako sa pag-iyak at nagsisimula narin akong magwala.

Nakita kong mabilis siyang pumunta sa may likuran ko ay narinig ang pagkakalampugan ng mga cabinet roon at pagkuwa’y nasa harapan ko na ulit siya na may dala-dalawang masking tape at gunting.

Lumukob ang kaba sa aking dibdib at nangatog ang lahat ng mga parte ng aking katawan ng Makita kung ano ang kaniyang hawak.

“W-wag po a-ate linda…W-wag po…” pagmamakaawa ko sa kaniya. Lumiit ang aking boses na tila halos pabulong na lamang ng sabihin ko iyon sa kaniya.

“Letse! Manahimik ka!” at sa isang gunting lang ng masking tape ay nailagay na rin niya sa akin ang tape at sinampal pa ang aking bibig para lang matahimik ako.

Napadilat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang pagkaluskos ng kung ano sa paligid ko.

Tumingala ako ng Makita si ate linda sa aking harapan. May dala-dalang plato at baso ngunit wala akong nakitang kutsara roon.

Inilapag niya iyon sa maliit na mesa na katabi ng aking kama at pumunta siya sa aking likuran.

Napakunot ako ng aking noo sa pagtataka kung ano nanaman kaya ang maaari niyang gawin sa akin.

Marahas niyang kinuha ang aking mga kamay at kahit magpumiglas ako ay wala akong lakas para gawin iyon.

Nagpatianod na lamang ako sa kung ano ang kaniyang gagawin at doon ay naramdaman ko ang malamig na bagay na nakalagay na sa aking mga kamay.

Muli siyang umikot at humarap sa akin. Kinuha niya ang plato at baso na inilapag niya kanina sa mesa at inilagay sa may paanan ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng Makita ko ang laman ng plato nan a ibinaba niya sa paanan ko.

Kanina na halos maging tutong na at isang ulo ng isda pati bundot nito kasama ang tinik. Wala roong karne ng isda.

Tinignan ko ulit iyon ng maigi at doon ko napagtanto na para bang pagkain ng pusa ang ibinigay niya sa akin.

Mumunting luha ang naramdaman ko at hindi ko na iyon napiglan pa at tuluyan nang tumulo sa aking mga mata.

“Kainin mo yan! Ang alam ko’y gutom ka kaya kainin mo ‘yan!” sigaw sa akin ni ate linda. Muli pa siyang lumapit sa akin at marahas na tinggal ang masking tape sa aking bibig.

Halos mapahiyaw ako sa sakit at hapdi ng tinanggal niya iyon.

Pakiramdam ko ay biglang naging manhid ang bibig at labi ko dahil sa paraan ng pagkakatanggal niya.

Dahan-dahan akong yumuko para maabot ang pagkain na nasa harapan ko.

Muntik pa akong mabasubsob nang hindi ko nabalanse mga siko kong nakatali ng kadena.

Panibagong luha ang pumatak sa aking mga mata habang kinakain ang mala pagkain ng baboy na nasa harapan ko.

Kailangan kong kumain kahit na napipilitan ako ngayon. Ito lang kasi ang tanging makakapaglagay ng laman sa sikmura ko.

Magmula kaninang umaga ay hindi ako kumain dahil akala ko’y nagluluto pa lang si ate linda.

Nanginginig at dahan-dahan kong nginunguya ang pagkain na nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung matatawag ko pa ba itong pagkain o hindi.

Pinilit kong hindi masuka habang nilulunok ko ito. Nananalangin na sana ay matapos na ang araw na ito.

“Hoy bumangon ka nga diyan! Hoy! ‘wag mong painitin ang ulo ko ha? Ano babangon kaba o hihilain pa kita?!”

Naalimpungatan ako ng bigla kong maramdaman ang hapdi sa anit ko.

Tiningala ko kung sino ang nasa may ulunan ko at nakita kong si ate linda pala ito.

Gusto kong lumaban, gusto ko siyang itulak ngunit…nanatiling nakakadena parin ang aking mga paa at kamay at nakatakip pa ang bibig ko.

Akala ko’y hindi na niya ibinalik ang tape sa aking bibig ngunit siguro’y binalik niya iyon nang nakatulog ako.

“S-san niyo po ba ako d-dalhin?”

Nanginginig na ako dahil sa takot at sa hapdi ng pagkakasabunot niya sa buhok ko.

“Manahimik ka!” napapikit ako sa biglaan niyang sigaw sa aking mukha.

Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa paghihila niya sa akin.

Mariin niyang binulong sa akin na ayusin ko ang aking paglalakad kaya ginawa ko iyon.

Lumuwag ang paghawak niya sa aking buhok at bumaba naman iyon sa aking likod.

Nanginginig parin ako at kahit gustuhin ko mang tumakbo ay wala akong kawala dito.

Nakita ko ang dalawang lalaking nakaabang sa may labas ng pintuan namin.

Inangat ko ang tingin ko sa kanilaat nakita kong pormal na pormal ang ayos ng damit nila.

“’yan naba ang sinasabi mo linda?” may awtoridad na tanong ng isang lalaki matangkad kay ate linda.

Hindi naman siya nagdalawang isip na tumango at malakas akong tinulak sa harapan ng dalawang lalaki.

Ang isa’y naka suot ng salamin. Ito iyong nagtanong kanina lamang kay ate linda.

Iyong isa naman ay walang salamin na nakalagay ngunit ang kaniyang mga mata ay maraming emosiyong nakakabit.

Lumingon ako kay ate linda nang umiiling-iling pa.

Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso at walang lakas ko silang tinulak palayo.

Nagsimula nang maging marahas at madiin ang klase ng pagkakawahak nila sa akin kaya’t wala sa sariling sumigaw na ako para tawagin si ate linda.

Marahas kasi nila akong kinakaladkad patungo sa isang itim na van.

Wala akong nakitang emosiyon kay ate linda. Ni lungkot, awa o kasiyahan.

Wala, kaya wala rin akong nagawa kundi ang hayaan ang dalawang lalaking ipasok ako sa loob ng itim na sasakyan…

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon