"Maglalaba ka at maglilinis ng condo ko. Dapat nandoon ka na bago mag nine ng umaga" he ordered ." I'll text you my address."

I frowned. " My God! Vincent . Kailangan ko bang gawin ang mga iyon? Hindi mo ako maid!" protesta ko. Lord isang sapak lang sa taong ito, pwede po ba? Dasal ko sa isip ko.

 

 "But you're my slave" giit n’ya . Ang walanghiyang lalaking ito, ginagalit akong talaga . Pinamukha na naman sa akin ang pagiging slave ko. Nakakainis sya!

 "Di ba Mr. Nahm mayaman ka bakit hindi ka kumuha nang  maglilinis ng condo mo?" suggestion ko  baka makalusot  ako sa bago n’yang trip.

 "Meron na . "

  

"Yun naman pala eh" biglang lumiwanag ang mundo ko.

 "Yap. It's you!" bigla na namang dumilim ang mundo ko.

  

Grrrr!!! "Okay" I resigned wala naman akong magagawa.

 "Best! Punta tayong mall tomorrow" yaya sa akin ni Sam. Hindi n’ya narinig ang pinag-uusapan namin ni Vincent kasi nakaupo s’ya doon sa kabilang bench.

  

"Ha?" tiningnan ko s’ya then tumingin ako kay Vincent. Narinig n’ya ang pagyaya ni Sam sa akin. Nakakunot nanaman ang kanyang noo.

 "Sige na . Bili tayo ng bago mong  set of wardrobe . Mga sleevesless at tube tops." hirit pa ni Sam.

Kitang-kita ko na dumilim ang mukha ni Vincent. Parang hindi n’ya nagustuhan ang sinabi ni Sam.

 " Sorry Sam pero pupunta siya sa Condo ko bukas"  he snapped.

  

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Sam. Tumingin pa s’ya sa akin ng magpaliwanag ka look.

"Eh kasi maglilinis ako at maglalaba sa condo n’ya "asar na  sagot ko.

  

Nanahimik si Sam 'di yata magets ang sinabi ko.

"I'll explain later" sabi ko na lang para maintindihan n’ya ang sitwasyon ko.

"Talaga ! Alex pupunta ka sa condo ni Vincent?"  sabat ni Ian. 

"Yeah"  walang ganang sabi ko.

"Eh ‘di magkakasama kayo ni Vincent nang matagal n’yan"  tukso naman ni Matheo.

  

"Eh di parang practice  na ang gagawin nyo este mo pala?" si Caden.

"Practice saan?" naguguluhang tanong ko.

"Sa gawaing bahay. 'Di ba ang wife ang nag-aasekaso sa bahay at sa mga gamit ng husband nya?" sabi ni Ian.

Ha? Ano daw? Mag-asawa?Anong pinagsasabi n’ya?

 Siguro ang sinasabi nila ay ako at ang fiance ko. Ba ka nga.

  

"Yipeee" sabay-sabay nilang sabi. Para silang mga baliw.

 "Tigilan n’yo nga kami." Galit na saway ni Vincent. "Maglilinis lang siya!"

  

"Ta--la---ga?"  si Tommy. Nakabalik na s’ya galing CR.

  

" TSSSS!" asik n’ya tapos tinapunan ng masamang tingin ang mga kaibigan nya.

  

"Ows!!" si Ian naman.

  

Sige lang  asarin n’yo si Vincent. Para na rin ako ang nakaganti. Sabi ko sa sarili ko.

  

"Di ba kayo titigil?  Baka gusto n’yong  kayo ang maglinis sa condo ko at maglaba ng mga damit ko?!" banta nya.

  

Bigla silang natigilan . Mukha na kasing papatay si Vincent .

  

Nakakatakot ang itsura nya.

  

"Sabi nga  si Alex na lang." sabi ni Tommy. "Di ba Alex kayang-kaya mo na ‘yun?" baling naman sa akin. Halatang natakot s’ya kay Vincent.

"Oo nga Alex. Goodluck ha" sabi naman ni Caden.

  

" Yakang-yaka mo lang yan" singit naman ni Matheo.

 "Mabait naman si Vincent. Hindi ka n’yan masyadong pahihirapan" sabi ni Caden.

 "Go!go!go! Alex! Fight!fight!fight!  " sabay-sabay na cheer nila.

  

'Tong apat na pogitang ‘to takot pala kay Vincent. Ano ba ang mayroon kay Vincent bakit takot sila? Sabagay sa sungit ni Vincent nakakatakot talaga s’ya.

  

" Ewan ko sa inyo!" I snapped. "  Tara na nga Sam ngayon na lang tayo bumili ng mga seksing damit na sinasabi mo.!" baling ko kay Sam. Nilakasan ko talaga ang pagsasalita para marinig ni Vincent tapos  sinulyapan ko si Vincent.

  

Lalong dumilim ang mukha n’ya. Ha!ha!ha!  mukhang nagalit sa sinabi ko.  Rule nya kasi bawal ang damit na nakalabas ang balikat. Iinisin ko s’ya.

 Tumayo na din si Sam" Tara!" Excited na  wika nya.

"Tapos bili din tayo ng short shorts" dagdag ko pa.

 "Yipeee! "yung kulay pink ha!"  si Sam.

  

"WTF!" narinig kong mahinang sabi ni Vincent . Hahaha Sarap galitin. Nakaganti na  rin ako  sa kanya.

 "Let's go!" Hatak ko kay Sam at para makaalis na agad . Baka pigilan pa ako ni Vincent at gamitin na naman n’ya ang paggiging master n'ya BLah..Blah...Blah.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugDonde viven las historias. Descúbrelo ahora