"Hellerrr!! Samantha Gomez papaano ko naman sasabihin sa iyo eh isang buwan ka kayang wala. Ni ha ni ho wala akong narinig mula sa iyo. Hindi ko alam kung asang lupalop ka ng mundo naroroon" sumbat ko sa kanya.
PLAK!
Bigla ko s’yang sinampal.
Nagulat 'yung mga nakatingin sa amin pati 'yung apat na pogita . Kanina pa kasi nakatingin 'tong mga ito.
Then
PLAK!
Gumanti ng sampal si Sam.
"Bruha ka!" ako.
Sinampal ko uli s’ya pero sa kabilang pisngi naman para pantay.
"Siraulo ka ha!" s’ya.
Sinampal n’ya uli ako.
Akmang magsasabunutan na kaming dalawa nang maramdaman kong hinawakan ako ni Vincent at s’ya naman ay hinawakan ni Caden.
Nakatunganga pa rin ang mga taong nasa cafeteria sa amin. Tahimik silang nanonood sa fighting scene namin ni Sam. Sino ba naman ang hindi mapapatingin may dalawang magandang diyosa ang nagsasampalan? Hahaha!
Nagkatinginan kaming dalawa .
Ha!ha!ha!ha! sabay naming tawa.
After five minutes....
"Ha!ha!ha! tawa parin naming dalawa.
Nakatunganga parin sa amin 'yung mga tao sa cafeteria.
Paniguradong iniisip nilang baliw kaming dalawa ni Sam.
Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa.
Nagkatinginan uli kami ni Sam then bigla kaming huminto sa pagtawa at umupo na na parang walang nangyari.
Epic ang mga face ng mga nakatingin sa amin.
Pati ‘yung apat na pogita nakatulala sa aming dalawa.
While Vincent ay nakinig na uli ng music sa headphone n’ya parang hindi kami nag-eexist sa kanyang paligid.
"Bakit ka nga nandito Sam?" tanong ko.
"Best namiss nga kita" sagot ni Sam. Kinuha n’ya ang nakita n’yang nakasarado pang bottled water.
"Pwedeng akin na lang" sabi nya sa apat na pogita."nauhaw kasi ako sa kakahanap dito kay Alex tapos sinampal n’ya pa ako" patuloy na paliwanag n’ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/7996299-288-k933272.jpg)
YOU ARE READING
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...
Eight
Start from the beginning