"Mukha mo!" inis na sabi ko at nilayasan s’ya. Ang lakas magtrip, pati pagdadamit ko kailangang pakialaman. Sino ba s’ya?

 Umalis na ako kasi baka may sabihin pa s’ya at hindi ko mapigilan ang sarili ko . Baka masapak ko pa ang pogi n’yang mukha. Kapal nya ah! Kailangan ko ng tubig , nauhaw ako sa mga pinagsasabi nya. Makapunta nga sa cafeteria.

 Sa classroom.

Aba wala pa  sila Mr. Nahm baka naman hindi ko sila kaklase sa subject na ito. Buti naman. Hanap ako ng upuan. Ayun sa  second row malapit sa bintana. 

 Naglakad ako papunta doon and naupo. 

 Nagpapasukan na ang mga kaklase ko.

 May poging tumabi sa akin .Boy next door ang dating nya..

 After five minutes.

 "Ayyyyyy!! Andyan na sila!!! Tili ng mga babae sa labas.

 Seriously kailangan ba silang tumili? Hindi ba pwedeng itikom na lang nila ang kanilang mga bibig habang naglalaway sila sa mga kaibigan ni Mr. Nahm?

 Yeah .  Alam kong sila na ang padating kasi habang tumitili ang mga babaing  tagahanga nila ay hindi nila mapigilang banggitin ang mga pangalan ng mga hunks na 'yon.

 "Matheo ang pogi mo!!!" sigaw ng isang girl.

 "Caden pakiss naman" request ng isa.

Napafacepalm ako, dyusme naman para silang mga highschool students kung makatili. Kung nasa era lang sila ni Maria Clara siguradong tadtad na sila ng kurot ni  Tiya Isabel.

 Itinuon ko na lang ang pansin ko sa dala  kong  libro at tinitigan ang cover 'non na parang mayroon akong madidiskubreng hidden message sa  book cover. Mas interesting pang alamin ang lihim ng cover ng book na ito kaysa makita ang magbabarkada na tinitilian ng mga girlaloo sa university na ito.

 "Hi Miss" kausap sa akin ng katabi kong boy next door ang dating. 

 Humarap ako sa kanya  at nginitian s’ya. Kailangang maging friendly ako para may makopyahan ako sa exam. He!he!he ! Ang bad ng intensyon ko sa kanya.

  

"Ah. Pwede bang makipagkilala?" nahihiyang tanong nya.

 Bahagya akong napangiti kasi ang cute nya.Mukha syang kinakabahan. Shy type pala si kuya.

 "I'm  Nico" pakilala nya sa sarili.

“ Hello -----“  tanging nasabi ko kasi.. 

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now