Chapter 25

1K 11 0
                                    


Mabibilis ang hakbang ni Rave, tiningnan nito ang ayos ng dalaga.

Lalong nagbaga sa galit si Rave sa nakita, malalaking hakbang na nilapitan si Grey at sinuntok ito. Napasigaw naman ang dalawang babae.

"Tama na Rave ano ba!" sigaw ni Yvette

Nakatayo si Grey at ginantihan ito ng suntok, hanggang sa mapang abot na ang dalawa

"R-rave tama na please! Grey!" sigaw ni Daniella

Hindi sila pinapakinggan ng dalawa

"Ano ba!" sigaw ni Yvette

Pumasok na rin si Mang Andoy at sinusubukang awatin ang dalawa

"Tama na please" naiiyak na pakiusap ni Daniella "Rave! Tama na..."

Ngayon ay hawak na ni Mang Andoy si Rave... habang inaalalayan naman ni Daniella si Grey

"Halika na Daniella!" sigaw ni Rave sa kanya

"Hindi ko sya ibabalik sayo Rave...!" sigaw ni Grey

"Gago ka pala eh!" pumapalag si Rave sa pagkakahawak ni Yvette at Mang Andoy para sugurin ulit si Grey

"Sumama ka na Daniella! kasalanan mong lahat ito eh!" sigaw ni Yvette

Napatingin sya sa kanyang ate, nasasaktan sya dahil halos itulak pa sya nito kay Rave. Napabaling sya kay Grey, "G-grey ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito kay Grey

"Tang ina Daniella! umuwi na tayo!" sigaw ni Rave

"H-hindi na ko sasama sayo..." sagot nito kay Rave

"Anong sabi mo?" madilim na tanong ni Rave sa kanya

"A-ayoko na Rave..." nanginginig na sago nya dito

"Daniella..." mapanganib na tawag ni Rave sa kanya

Umiling lamang sya.

Nang makabitaw sya sa pagkakawak ni Yvette ay saka naman ang pagbunot nito ng baril at tinutok kay Grey.

"Siguro pag napatay ko na ang hayop na yan uuwi ka na!" sigaw nito

Nanlaki ang mata ni Yvette "R-rave please wag mong babarilin si Grey.." pakiusap ni Yvette

"P-please Rave hayaan mo na kami..." naiiyak na pakiusap ng dalaga

Agad lumapit si Yvette sa kapatid at agad hinablot at hinila palayo kay Grey

"A-ate aray... please ate..." sabi nya sa kapatid

"Sumama ka na pauwi kay Rave!" sigaw nito sa kanya

"Yvette! Bitawan mo si Daniella" Hinawakan ni Grey ang braso ni Daniella upang pigilan ito

"Dammit! Mas gusto mo pang mamatay para sa kanya!" sigaw ni Yvette sa kanya

Nagpaputok ng baril si Rave at natamaan ang vase na malapit kay Grey. Napasigaw naman si Daniella at Yvette

"S-sir Rave tama na po" pakiusap ni Mang Andoy dito

"wag kang makikialam dito Mang Andoy!" sigaw ni Rave dito

"Ano ba Daniella! gusto mo bang mamatay si Grey?!" sigaw sa kanya ng kapatid

Napatingin si Daniella kay Grey, lumambong ang ekspresyon nito sa kanya.

"Daniella!" sigaw ni Rave sa kanya

"Huwag kang sasama Daniella" hawak pa rin nito ang braso nya

Napatingin si Daniella kay Rave, knowing him. Alam nyang makakaya nitong patayin si Grey. Unti-unti nyang tinanggal ang pagkakahawak ni Grey sa kanya. Ngunit hinawakan ulit sya nito.

"Daniella? sasaktan ka ulit nya..." anas ni Grey "Dammit Rave! Hayaan mo na kami ni Daniella!" sigaw nito kay Rave

"G-grey... sasama na ko kay Rave..." naiiyak na sagot nya kay Grey

Hinablot sya ulit ni Yvette kaya napabitaw si Grey sa kanya.

"S-sasama na ko... please wag mong sasaktan si Grey..." pakiusap nya kay Rave. Unti-unti syang lumapit dito nang bitawan sya ni Yvette.

Nanginginig sya ng hablutin sya ni Rave. Ibinaba ni Rave ang baril at hinila sya papuntang sasakyan at agad pinasok roon.

Pero nanlaki ang mata nya ng hindi ito pumasok sa sasakyan at naglakad ulit ito pabalik ng kabahayan. Kinabahan sya sa kung anong gagawin nito dahil hawak pa rin nito ang baril.

I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon