Chapter 21

1K 14 0
                                    

"Anong gusto mong kainin Daniella...? alam ko may pagkain pa din dito dahil minsan bigla bigla na lang kami pumupunta dito..." tanong ni Grey

Ngunit pagtingin nya sa dalaga ay hindi ito mapakali kaya nilapitan nya ito at hinawakan sa kamay, naramdaman nyang bahagya itong nanginginig "Calm down Niella... Nag-aalala ka ba?"

Tumingin lang sa kanya ang dalaga, napabuga na lang ng hangin si Grey "I will not let Rave get you..."

Nag-uulap na naman ang mga mata ni Daniella "G-grey... what if... what if makita nya tayo?" nag-aalalang taong ni Daniella

"I will not let that happened...isasama na kita sa America... ipapaasikaso ko na agad mga documents mo..." sagot sa kanya ni Grey

Natigilan si Daniella ng may maalala "ang ate... b-baka magalit sya lalo sakin Rave..." nag-aalalang saad nya dito "b-baka lalo syang mag-isip ng masama satin..." dugtong pa nya

"Don't worry about Yvette, alam kong mahal ka non... saka I cleared to her that I love you Daniella..." sagot ni Grey

Kumunot ng bahagya ang noo ni Daniella "p-pero Grey, y-you broke up with my sister?" nag-aalanganan nyang tanong

Bumuntong hininga si Grey "we're not together Daniella... kapatid at kaibigan lang ang tingin ko kay Yvette..."

Niyakap ni Grey si Daniella "kaya tumahan ka na... pakakasalan pa kita..."

Napatigil si Daniella at humiwalay ng pagkakayakap dito "A-anong sabi mo?" mahinang tanong nya dito

Lumuhod si Grey sa kanyang harapan "I know it's too fast and I'm not prepared to propose but I'm very much prepared to love you till infinity... Daniella... will you marry me?" Grey sincerely asked her

Lalong napayak si Daniella dahil sa ginawa nito, marahan syang tumango... wala na syang naisip na iba bukod kay Grey na nakaluhod sa harap nya at ang mga sinabi nito.

Agad tumayo si Grey at mahigpit syang niyakap "I will buy a ring tomorrow... I love you Daniella..."

"I love you too Grey..." sagot nya dito.

"kaya wag ka na mag-isip ng kung ano ano Daniella... nandito na ko..." dagdag ni Grey

Naalala ni Daniella ang kahayupang ginawa sa kanya ni Rave. Nang tingnan sya ni Grey ay napayuko na lamang sya "G-grey... S-si Rave..."

"Don't worry about him... hindi ka na nya malalapitan..." Grey assured her

"P-paano kung... p-paano kung magbunga ang kahayupang g-ginawa nya sa'kin nung nakaraang gabi..." napahikbi na naman ng tuluyan si Daniella "w-will you still accept me?"

Natigilan si Grey sa tanong nito sa kanya. Niyakap nya ng mahigpit si Grey "I-I'm sorry Daniella, hindi dapat kita iniwanan noong gabing iyon... nakikiusap ako Daniella, wag ka na mag-isip ng kung ano ano... if mangyari man iyon... ako ang tatayong ama...not him" determinadong sagot ni Grey

Hindi na nagsalita si Daniella.

Nagagalit si Grey sa sarili dahil sana ay pinilit nyang kinuha si Daniella noong gabing iyon, sinisisi nya ang sarili nya sa sinapit ng dalaga. At Dobleng galit kay Rave dahil sa ginawa nito kay Daniella, at sinabi nya sa sarili na pagbabayarin iyon ni Rave.

I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon