Chapter 18

1K 14 0
                                    

Nanatili syang gising, nakatali pa rin ang kanyang dalawang kamay at patuloy na umiiyak. Nakatakip lang ang kumot sa kanyang katawan at nakayakap sa kanya si Rave.

Bumangon ang binata at hinarap sya. Umiwas sya ng tingin dito.

"I told you but you didn't listen to me" anas sa kanya ng binata

Hindi sya kumibo ngunit hindi na napigilan ni Daniella ang pagtulo ng kanyang luha, pinunasan naman iyon ni Rave.

"I'm sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko... I love you Daniella..." hinalikan sya nito sa kanyang pisngi ngunit umiwas sya dito.

Napabuntong hininga si Rave at bumangon na, dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakatali ng dalaga. Nang matanggal iyon ay agad pinagsalikop ng dalaga ang kumot at mariing itinakip sa kanyang katawan. Nanakit din ang kanyang mga kamay dahil sa pagkakatali sa kanya.

Napansin iyon ni Rave kaya bahagya nyang hinila ang ga kamay nito para tingnan

"a-aray..." lalong naluha ang dalaga

"Dammit!" marahas na huminga ang binata "I'm sorry... I'm sorry..." sabi nito sa kanya

Agad na binawi ni Daniella ang kamay nya mula dito.

__

Sa hotel tumuloy sila Grey at Yvette, magkahiwalay sila ng kwarto matapos ang gabing iyon. Kinabukasan ay tahimik lang si Grey habang hinahatid ito sa photoshoot.

"Grey... baka maaga matapos ang photoshoot, I'll call you okey" sabi ni Yvette sa kanya

Ngunit hindi ito kumibo.

"Grey?" tawag nito sa binata

"What?" balewalang sagot nya dito

"you hated me that much do you?" Yvette smirked "sabi naman na sayo na wala ka nang magagawa—"

Grey cut her off "stop it Yvette..."

"Bakit? Nasasaktan kang marinig ang totoo? Baka nga kung anong ginawa ni Rave sa kanya kagabi ng umalis tayo e"

Mariing napahawak si Grey sa manibela, palabas na sana si Yvette ng pigilan sya nito "ganyan na ba kadali sayong iwanan si Daniella sa kanya? Anong klase kang kapatid?" maring tanong ni Grey

Napahinto si Yvette sa tinuran nito. Hindi na sya kumibo at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.

--

Maagang umalis si Rave, nanatili syang nakahiga sa kama.

"iha..." tawag sa kanya ni Manang Luz.

Hindi nya nilingon ito. Inilapag ni Manag Luz ang dala nitong pagkain sa side table at nilapitan sya. Nakita sya nitong umiiyak.

"a-anak... tahan na... kailangan mong kumain..." nag-aalalang sabi ni Manang Luz sa kanya, ngnit patuloy lang ang dalaga sa pag iyak

"patawarin mo ko iha... hindi ko sinasadya, kung hindi sana—"

Hindi na pinatapos ni Daniella magsalita ang matanda "H-hindi nyo po kailangan humingi ng tawad naiintindihan ko po kayo..."

Niyakap sya ni Manang Luz "tahan na iha... kumain ka na..."

"S-sige po iwan nyo na lang po...k-kakainin ko po mamaya..." mahinang sagot nito kay Manang Luz

Tumayo ang ginang, nanghihina si Manang Luz habang nakikita nya ang kalagayan ng alaga, alam nyang may ginawa si Rave dito dahil saksi sya sa galit niyon noong gabi. Gusto nyang tulungan si Daniella ngunit hindi nya alam kung paano. Lumabas sya ng kwarto at pansamantalang iniwan ito.

Hindi namalayan ni Daniella na nakatulog na lang sya kakaiyak at hindi na nya magawa pang kumain.

I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon