Prologue

3.5K 61 0
                                    


"Ate! Sandali lang wag mo kong iwan dito!" sigaw nya habang tumatakbo pababa ng hagdan ng mansion at hinahabol ang kanyang ate, hindi nya iniinda ang sakit ng kanyang mga paa dahil nakayapak lamang sya. "sasama ako sa'yo! Nakikiusap ako huwag mo kong iwan sa kanya!" halos nanlalabo na rin ang paningin nya sa pinaghalong luha at pawis sa kanyang magandang mukha.

"Ate!"

Malapit na iyon sa may pinto ng sa pagkakataong iyon ay huminto ito at nilingon sya nito, nakita nyang nagbabaga sa galit ang mga mata nito, hindi na nya pinansin iyon dahil ang mahalaga sa kanya ng mga oras na iyon ay ang makaalis at sumama sa ate nya.

"ano ba! Sinabi ko na sa'yo na hindi pwede! Wala akong pakialam kung sya ang tinalagang legal guardian natin naiintindihan mo ba?! Nagsabi ako sa kanya na gusto ko nang humiwalay sa pamilyang ito! at pumayag sya, well binigyan pa nga nya ko ng pera at welcome pa din ako sa bahay na ito... bumalik ka na sa bahay kapag nagalit na naman sya sayo..." she smirked at her younger sister and continued "madadagdagan na naman yang pasa mo...!"

Bahagyang nanginig ang katawan nya sa huling sinabi ng kanyang ate "p-pero bakit hindi ako pwedeng sumama sa'yo? Bakit kailangan kong maiwan kasama sya? B-bakit nya g-ginagawa sakin ito ate? A-anong nagawa ko sa kanya? H-hindi ba pamilya tayo... h-hindi nya ba ko mahal?" she sobbed.

Pumalatak ang kanyang ate "poor girl... hindi mo pa rin ba gets? Syempre mahal ka nya! Kaya nya ginagawa sa'yo to!"and she smirked before turning her back on her younger sister.

Ngunit sumunod pa rin sya sa nakakatandang kapatid "ate pakiusap..." pagmamakaawa nya. "k-kung ayaw mo kong isama a-aalis na lng dn ako..."

Bago pa man din makasagot ang kanyang ate ay naramdaman nya na ang paghablot sa kanyang braso. She flinched, sobrang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya and then she saw him furious with her "where are you going?!" tanong nito sa kanya she didn't answer "you!" baling nito sa nakakatanda kapatid nito "hindi ba sinabi ko na sayo na wag ka ng magpapakita kapag aalis ka na... pinayagan na kitang sumama sa pamilyang iyon hindi ba?!"

"oo alam ko! malay ko ba naman na mararamdaman ng babaeng yan ang pag alis ko...!" inis na sagot nya sa lalaki.

"alis na!" sigaw ng lalaki

"oo eto na nga aalis na! hindi makag hintay na masolo!" tumawa ito bago tuluyang lumabas ng mansion.

Nang tuluyan ng umalis ang kanyang ate ay patuloy pa rin sya sa paghikbi, mahigpit pa rin syang hawak ng lalaki. "k-kuya nasasaktan ako!"


I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon