Chapter 4

1.3K 21 0
                                    

Kinabukasan.

Napatigil si Daniella ng mapansin ang mga bisita ni Rave, all eyes on her. Hindi sya agad nakahuma at nakatitig lamang sya sa kasamang lalaki nito na nakatitig rin sa kanya.

"hi my dear younger sister..."

Napatingin sya sa kanyang ate Yvette "a-ate..." she don't know what to say and what to react dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya pero hindi nya masisi ito dahil naniniwala syang may sarili itong rason, alam nyang mahal sya nito.

"sya nga pala may mga pasalubong ako sa'yo pero bukas ko na lamang ibibigay sayo, nasa maleta pa kasi eh. Anyway dito muna ko titigil sa duration ng photoshoot ko..." sabi nito sa kanya.

"t-thank you ate..." sabi na lamang nya dito. Napatingin sya kay Grey, nakatingin pa rin ito sa kanya.

Tumikhim si Rave bago nagsalita "you can use the guest room sa itaas... pinahanda ko na nung tumawag ka..." sabi nito sa dalawang bisita nila.

Nag-iwas ng tingin si Daniella, ang kanyang ate Yvette pala ang tumawag nung isang gabi.

"Sige. Magpapahinga na muna kami ni Grey, napagod kami sa byahe...come on Grey let's sleep" tawag ni Yvette at paalam nito at tuloy tuloy nang umakyat sa guest room.

Sinundan lamang ng tingin ni Daniella ang dalawa, they were sharing a room, she felt a familiar pain for that thought, nagyuko sya ng ulo, she sighed "m-magpapahinga na din ako" paalam nito kay Rave

"You're sleeping at my room Daniella..."

Napahinto si Daniella sa sinabi nito, Tumango lamang sya dito at hindi na nagsalita. Ngunit dumerecho sya sa kanyang kwarto, she took a shower at nang matapos nyang magbihis ng pajama ay nagtungo sya sa study table at naupo sa upuan nito. She immediately took her books and started reading, napabuntong hininga na lamang sya nang hindi sya makapag concentrate sa kanyang binabasa.

She's thinking of Grey Luis Rosales, ito ang tinutukoy nyang kanyang naging nobyo. She's lying when she said that she already moved on. Until now ay mahal nya pa rin ito, lagi nya pa rin tinitingnan ang profile account nito sa fb.

She wasn't allowed to have a facebook account pero palihim syang gumawa nito and used other name, ayaw nyang matuklasan ni Rave iyon. She tried to add Grey but he didn't accept her request dahil na rin sa ibang pangalan ang ginamit nya, kaya nakontento na lamang syang tingnan ang primary picture at ilang post at litrato na hindi naka private.

Totoong magkakilala na sila simula pagkababata dahil kaklase ito ni Rave at Yvette dati at kaibigan ng kanilang pamilya ang pamilya ng mga Rosales. They became friends kahit na 6 na taon ang tanda nito sa kanya. She had a crush on him at that time at nanatiling lihim dito dahil natatakot syang malaman nito at baka layuan sya nito. nagtapat ito sa kanya nang 16 pa lang sya nung kanyang sweet sixteen birthday nang mga panahong buhay pa ang kanyang mga magulang. Sinagot nya ito ilang linggo simula nang manligaw ito, ngunit nakiusap syang magiging lihim ang lahat, hindi sya natatakot sa kanyang daddy lalong lalo na kay Rave na sobrang protective sa kanya.

2 months. 2 months lamang ang tinagal ng kanilang relasyon.

I Miss, You and Me..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon