Chapter 38

266 16 0
                                    

>Josh's Pov<



5 days later...


Linggo ngayon at ngayo'y ako ay nag jojogging at nag wowork out. Wala naman din akong magawa at tulog pa sila mom at jason.



Tumatakbo ako ngayon dito sa park malapit lang sa village. Marami ding nag jojogging ngayon dahil linggo naman at walang pasok. Mga langya kasi ng mga eagles ayaw nila sumama dahil puyat daw sila kagabi. Tangna ang loner ko tuloy dito -__-



Umupo muna ako sa isang bench at uminom muna ako ng tubig. Pinapanood ko yung mga naglalaro na mga bata at yung iba nag babadminton.


*Bzzzzt Bzzzzt*


*bzzzzt bzzzzt*



Kinuha ko agad ang phone ko dahil may tumatawag.

"Oh hello?" Sagot ko.

[Bro! Good morning! Nasaan ka?] Fvck. Si kysier pala. -__-

"Dito sa park malapit sa village."

[Langya, wala man lang good morning dyan?]

"Dami mong alam. Oh morning." Natawa naman siya at himala ganda ng gising.

[Okay, ano ginagawa mo dyan?] Tanong pa niya.

"Baka nag siswimming?" Pabiro kong sagot.

[Psh. Ganda ng gising ko tas babaguhin mo.] Pagmamaktol niya. Luh siya.

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Common sense kasi. Bye!" At inend call ko na.

Nagulat ako ng may tumabi sa akin na batang babae mga 7 y/o at kumakain ng ice cream. Naka ngiti lang ito sa kin.

"Hi bata, ano name mo?" Tanong ko dito.

"Juliet po. Kayo po?" Masayang sagot nito.

"Josh." Sagot ko naman at hinaplos ang ulo nito.


"May kasama ka ba?" Tanong ko ulit.

"Ah opo may binili lang po dun oh." At may tinuro nung bata sa akin ang isang shop.


"Ahh."


"Juliet tara na!" Mga ilang minuto sinundo na rin si juliet ng isang babae na mga 16 y/o ang age. Lumapit ang babae at sinundo na si juliet.

"Ate chloe aalis na po agad tayo?" Tanong nung bata at tumango naman yung babae.

"Sige po kuya josh aalis na po kami." Paalam nung bata.

"Ingat kayo." Paalam ko dito at ngumiti naman sila.

Ang cute nung bata... naalala ko sakanya si abigail nung mga bata pa kami kasing cute niya ito. Ilang araw na kaming cool off at walang pansinan kahit tawagan. Namimiss ko na siya ng sobra, gusto ko siya yakapin, kausapin... lahat. Nalulungkot ako ng sobra hindi ko kaya...


Sobrang miss na miss na miss ko na siya. Gustong kong ipagsigawanan sa mundo na akin lang siya... abigail kung cool off lang tayo sana mahal mo pa rin ako. Gusto kong bumalik tayo sa dati kaso.... ang hirap eh ako ang nasasaktan kapag may bumubulabog na problema sayo... ang sakit sakit.


"May problema ba?" Nagulat ako ng may tumabi sa aking babae.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko ng pagalit dito.

"Ang pagkaka alam ko open tong park sa lahat?" Tangna binabasag pa ko nito eh.


"Ang ibig kong sabihin ba't ka nandito sa tabi ko?"

"Gusto kong malaman ang problema mo!" Seryoso niyang sabi.

"Pwes, wala kang paki alam. At sino ka ba para damayan ako?" Harap kong tinanong ito.

"Hindi mo ba alam ang sinasabi mo josh? Alam kong sobrang dami nyong problema pero sana tulungan kita kahit konti." Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Tulungan? Para saan? Wag kang mag assume na magka balikan pa tayo shiela. Oo kailangan ko ng tulong pero hindi ko matatanggap yang tulong mo. Kaya kong pasanin ang problema ko." Paliwanag ko dito at halata sa kanya ang pagtimpi ng galit.

"Anong pinag sasabi mo? Oo mahal pa rin kita. Oo gusto pa rin kita pero.... alam kong malabo ng magkabalikan pa tayo." At tumulo na ang luha niya pero pinunasan niya kagad yun.



"Hindi ko na kailangan ng tulong mo para sa problema kong to." Seryoso kong sabi at nagulat ako ng may biglang tumakbo palayo malayo sa gitna namin. At nagulat ako ng si...











Si abby....




Kaya tumakbo ako at hinabol ko ito. Halatang umiiyak siya at ang bilis ng takbo niya. Ang dami kong taong nakabangga at nagulat nalang ako nawala na siya sa paningin ko. Kaya hindi ko na alam kung saan na siya pumunta. Fvck! Ano ba tong nangyayari samin? Na.....nakita niya kami ni shiela na nag uusap.



Hahanapin ko pa rin siya. Hinding hindi ako titigil na mahalin ka abby.


~♡~


>Abigail<

Ayoko na! Ayoko na! Hindi ko na kaya! Paano nangyari to? Nag uusap na sila? Nag ka balikan na? Naiinis ako! Kaya ba hindi na siya nagpaparamdam sakin? Halos mag oone week na oh! Bakit? Bakit noya ginagawa to? Cool off lang ba talaga kami o wala na? Pesteng buhay to oh!

Huminto ako dito sa tahimik na lugar kung saan walang tao at tanging huni lang ng ibon ang maririnig mo. Dito ko ibubuhos lahat ng galit ko.


"Ayoko na josh! Pagod na ako!" Sigaw ko at bumuhos na naman ang mga luha ko at kumuha ako ng bato at inihagis ko ito.


"Dahil lang ba sa problema ko? Josh ang babaw....sobrang babaw mo. Napaka unfair mo. Hindi mo ba alam na.....sa loob ng limang araw iniisip kita.....pinoproblema kung okay ka lang.... na gusto na kita yakapin, at kausapin kaso sa lahat ng tawag at text ko ni isa hindi mo pinansin....sobrang sakit nun."

Malapit na ang graduation o pagtatapos ng school year natin... dun ka pa ba mawawala?


"Sakit sa feelings grabe!"


Hayy nako..... napapagod na ko kakaiyak at kakaisip sayo.. pero kahit kailan hinding hindi ako napagod na mahalin ka josh.

Naglakad na ako palayo kung saan saan.

"Josh... sabihin mo lang kung ayaw mo na, kung pagod ka na, kung sawa ka na, at kung nahihirapan ka na......" kinausap ko ang sarili ko habang naglalakad.






I love you josh.





At nag black out ang paningin ko tsaka ako natumba.






~♡~


>Someone's pov<

"Ano ready na ba yung set up?" Tanong ko dito at tumango naman sila.

"Okay, hanapin nyo siya." Utos ko pa.

"Pano yun? Ngayong week..prom at graduation na nila?" Tanong nung isa.

"Basta, hinding hindi siya makaka attend sa event na yun."

"Okay okay masusunod."


Wait and see my revenge...

----------------------

A/N: Last five chapters! Please vote and comment :)

Thanks :)



Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now