Chapter 29

444 17 0
                                    

>>Josh<<

"Guys dito tayo.." sabi ko sa kanila at sumunod naman.

Nagtungo kami dito sa Precious Gem na bilihan ng mga jewelry. Gusto ko sana siyang bilhan ng necklace para sa gagawin kong romantic date namin. Ito na nga talaga ang tamang oras para sa amin. At alam kong magugustuhan niya ito.

"Hi sir, mam, Welcome to Precious Gem shop.." Bati nung babaeng nagtitinda at nginitian ko naman ito.

"Ano nanaman ang bibilhin mo fortalejo?" Tanong sakin ni kyrie habang tumitingin tingin sila.

"Ahh....necklace nalang?" Tanong ko sakanila at ilingon naman na ako nila.

"Pwede na!" Sabi nila at nag thumbs up pa. Siguro nga mas okay na yung ganun klase para simple.

"Miss ano yung bagong labas niyo dyan?" Tanong ko at tumingin naman siya sa stante.

"Sir eto pong Infinity necklace.." Sabi nung babae at tinignan ko naman ito. Infinity siya na may diamond sa gitna. Simple but elegant nga siya. Sakto lang at ang ganda tignan na bagay talaga kay abby.

"I'll buy this." Sabi ko agad sa babae at kinuha naman niya agad iyon.

"Okay yan bro ah." Sabi sakin ni kysier at tinignan yung kwintas.

Agad naman na nabayaran ko iyon at nakuha na din ito. Marami na rin akong nabili na mga susuutin niya. At ihahanda ko na lang ang date place namin.

"Sa tingin mo kyrie okay na to?" Tanong ko ky kyrie at pinakita sakanya lahat ng binili ko.

"Ano ka ba fortalejo. Sobra na nga yan eh...tska hindi naman dapat kailangan ng maraming bagay o kung ano man ang gusto mo ibigay. Ang gusto lang nila ay pagmamahal ng isang tao, hindi sila iiwan, at mamahalin mo talaga ng buo.." Wow tinanong ko lang tong babaeng to' humugot na ah. Sabagay may punto rin siya dun.

"Easy hugot." Sabi ko at tumango siya na nakangiti. "Tama naman din ang sinabi mo eh may mga bagay talaga na dapat hintayin hindi minamadali."

"Tignan mo to, nahawa ka agad sakin eh.." sabi niya at natawa naman kami.

"Ehem!" Nagulat kami sa nagsalita at nilingon namin si monkey pinandidilatan ako ng mata.

"Sorry na bro'.." Pag papaumanhin ko at hinawakan naman ni kyrie ang kamay nito.

"Tara na kain muna tayo.." Sabi nalang ni monkey at sinundan ko naman silang dalawa.

Dito nalang namin napag isipan na kumain sa Chowking dahil nakakapagod din mag libot sa tangnang mall na to.

Pagtapos namin umorder nakahanap na rin agad kami ng mauupuan.

"So what's your plan now?" Tanong agad sakin ni kysier habang kumakain na kami.

"I'm not yet for doing my plans now, and that's the dating place that i reserve for our date." I said.

"Pero tatapusin mo na?" Tanong ni kyrie habang kumakain na kami.

"Yea. Kailangan na eh..." sagot ko at tumango nalang siya.

"Wag ka mag-alala tutulungan ko siya sa pagde-dress up niya.." Sabi niya at nginitian ko siya.

"Thank you." Sagot ko at tumango nalang.

Buti nalang at may mga kaibigan ako na kahit minsan ay matino din pala. Pag nakasama mo sila ubod ng kukulit ng dalawang to eh. At halata sa kanila na gusto talaga nila ako para kay abby.

Nakatapos na kami kumain at gusto na rin naming umuwi. Buti nalang at walang pasok ngayon at may 3 days rest kami. Kamusta na kaya si abby? Sana okay lang siya, gusto ko na siya ulit makita at yakapin. Sobrang namimiss ko siya..

Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now