Chapter 8

583 20 0
                                    

Abigail's POV

"Abigail, wake up!"

Shocks! Nagulat ako sa boses ni Kyrie.

"Bakit? Inaantok pa ako." Sabay yakap ko sa unan.

"What?! Hey, wake up! Late na tayo. 20 minutes nalang." Habang hinahampas ako sa braso.

Napamulat naman ako at napabalikwas dahil sa narinig kong 'late' na kaming dalawa.

"Teka. Eto na."

Mabilis akong pumunta sa banyo at agad ako natapos maligo at nagbihis agad ako.

"Sorry, Kyrie, kala ko maaga pa." Sabi ko habang nagsusuklay.

"It's okay, bilisan mo nalang." Ayan na naman, 'di bale sanay na ako sa kanya.

Sumakay na agad kami ni Kyrie sabay sakay sa kotse dahil nandon na yung dalawa. Sabay ngumiti samin.

Habang nasa byahe kami at malapit na din kami sa school tahimik lang ang lahat. Nang mapatingin ako sa side mirror napatingin si pangit at ngumiti. Ngumiti din ako pero iniwas ko agad yung tingin ko.

Kinakabahan na ako sa performance namin. Buti nakapag practice ako ng maayos. Atleast, hindi ako mapapahiya.

Nandito agad kami sa room wala pa 'yung professor namin kaya tinignan ko yung phone ko may nag text. At meron nga, si kuya.

From: Kuya James

Lil sis, Bakit hindi mo ako hinintay gumising?

Huh?! Sira ba siya. Hintayin ko daw? E, may pasok ako tas hihintayin ko siya. Makikisabay lang yun kumain, e. Bahala nga siya. Magre-reply na ako kay Kuya nang biglang dumating 'yung professor namin, kinakabahan tuloy ako. Napadasal ako ng mahina.

"Good morning, Class."

"Good morning, Sir!" Sigaw naming lahat.

"Okay, I hope you na nakapag practice na kayo kasama ang partners nyo. Right?"

"Yes, Sir." Sagot ng lahat.

"Okay so let's start." Tumingin na si Sir sa class' lists. Kinakabahan talaga ko.

"You may start. . Julia and Patrick." Nagulat 'yung dalawa at tumayo na rin. Nag ready naman ang lahat makinig.

~*~

Marami na natawag si Sir at kaming apat nalang ang hindi pa natatawag. Halos magagaling ang mga kaklase ko. Nag hanap na ulit si sir ng pangalan.

"Okay, so you may start. . Kyrie and Kysier." Chill lang na pumunta ang dalawa sa harap. Wow, mukhang pinag-handaan.

Nag ready na si Kyrie at ngumiti ako sa kanya at nag thumbs up na kaya mo 'yan. Si Kysier naman nag strum na ng gitara para sa intro.

"Ilang beses na nag away.
Hanggang sa magkasakitan
Hindi alam ang pinagmulan.
Pati maliliit na bagay.
Na napag-uusapan,
Bigla na lang pinag-aawayan."
Ngunit kahit na ganito.
Madalas na di' tayo magkasundo. Ikaw lang ang gusto kong makapiling,
Sa buong buhay ko."

Ang ganda ng kanta nila kalamong pinaghuhugutan eh. nakakakilig silang dalawa.

"Kahit na binabato mo ako
ng kung anu-ano.
Ikaw pa rin ang gusto ko.
Kahit na sinasampal mo ako.
Sinisipa't nasusugatan mo.
Ikaw pa rin.
Walang iba
Ang gusto kong makasama.
Walang iba.
Walang iba."

Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now