Chapter 19

481 16 0
                                    

>>Abigail's POV<<


3 Days later....


Mabilis na lumipas ang mga araw. At ang buwan na ito?..... buwan ng mga puso. Halos hindi ko namalayan, na malapit na namin matapos ang fourth year... konting kembot nalang.

"Abby sino kadate mo sa valentine's day?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Kapag valentine's kailangan may ka date? Di ba pwedeng ordinary day lang." Bakit ganun? Ang big deal nila sa february 14.. Ano naman meron sa araw na yun (bitter)? Bukod sa madaming naglalakad na babae na may dalang bulaklak, na nagmumukhang puntod. Hehe biro lang... ^___^

Hinahantay ko sila kyrie dito sa room at wala parin sila. At wag ka.... nagiging ka close ko na mga ka classmate ko ngayon. Oh diba kung kailan malapit na mag tapos dun lang sila nakipag close sakin. Hindi ko naman inaasahan na may ka date ako sa valentine's dahil alam kong wala akong ka date. Ayokong humiling ako na gusto ko may kadate.

"Kyaaaaaahhh!" Huh? Ano problema nun. Napatingin kami sa bagong dating

"Waaahhh! Omeged, magkakaroon daw ng booth for the celebration of valentines day." Anunsyo niya.

"Yun lang?" Narinig ko sa tabi ko si kyrie kaya nagulat ako.

"Oh. Ikaw pala bee." Sabi ko ky kyrie.

"Hindi, hindi ako to!" Namilosopo pa siya. ><

"Guys, narinig ko rin na may sariling booth ang eagles. Kyaaahhh!"

"Kyaaaaahhh!"

Napatakip ako sa tenga ko. Ang iingay nila. Speaking of eagles? Team yun nila josh at kysier sa basket ball ah. Teka tama ba pagkarinig ko kanina?! Oo nga tama dahil hindi naman ako bingi! May booth sila josh ano naman kaya yun?!

"Bee may booth pala yung eagles?" Tanong ko ky kyrie.

"Oo bee. At sinet up daw sila ng coach pati ng manager nila eh." Sagot ni kyrie kaya napatango tango nalang ako. Kaya pala wala si josh dito.

Himala wala kaming teacher ngayon at nasa seminar sila! Edi mga classmate ko tuwang tuwa. Nako mga classmate ko talaga ubod ng tamad!

Parang hindi ata ako maeexcite diyan sa valentine's na yan.

***

>>Josh's POV<<

"Tungunu naman oh may date ako sa 14 eh....bwisit!" Reklamo ni Paolo... nandito kami sa headquarters. Dinala kasi ni Ms. Manager yung balita na magkakaron daw ng kanya kanyang booth ang bawat department para sa pagcecelebrate ng valentine's day at makipag raise ng fund para sa mga batang may sakit sa puso. At nalaman namin na magkakaroon ng separate booth ang eagles.

"Biro ba yan paolo...hahaha" - Johnny.

"Sus, inggit ka lang johnny bravo wala ka kasing kadate hayop ka!" -paolo

"Gago!"

"Tama na yan, pag usapan nyo na ang gagawin nyo sa booth niyo... aalis nako.." sabi ni ms. manager sabay tayo.

"Babae, wag kang makikipag date kung kanino ah.." napatingin kami kay gerald.

Di siya pinansin ni ms. manager at lumabas na...

"Pffftt boom snob... hahaha" Tinawanan namin si gerald. Lakas maka bawal ng gago..

"So anong plano?" Tanong ko at nahiga sa sahig.

Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now