Chapter 23

445 15 0
                                    

>>Abigail's POV<<

Nandito ako ngayon sa sala kasama sila kuya at mama wala si daddy dahil inaasikaso niya yung business namin sa restaurant pati na rin kela tita rose. Kakatapos lang namin mag break fast at hinihintay ko na lang yung dating nila kyrie kasama yung dalawa. Hindi ko sure kung isa lang ang sasakyan namin papunta dun sa batangas.

"Mag iingat ka dun anak..." sabi ni mama at niyakap ko naman siya.

"Ma...wag na po kayo mag alala sakin. Sabi ko naman po mag iingat ako dun." Sabi ko at tumango nalang si mama. Kala mo naman aalis ako papuntang abroad eh. Sadyang na miss lang talaga ako ng nanay ko.

"Abigail, mag text ka samin ni mama kapag nandun ka na.." Paalala ng Protective kong kuya.

"Oo naman kuya...basta wag na kayo mag alala sakin." Sabi ko at ginulo naman niya yung ulo ko. Hindi ko naman kasi alam kung kailan kami dun eh. Walang inform inform talaga at biglaan pa! San ka pa!


*Beep* *Beep*


Narinig ko ng may nag busina sa labas at kinuha ko na yung mga gamit ko.

"Bye ma, kuya. I love you all." Sabi ko at kiniss ko si mama at niyakap ko naman si kuya.

"Abigail, yung sinabi ko sayo ha.." sabi ni kuya at tumango ako. "Sige na mag iingat kayo."

"I love you anak ingat nalang kayo sa batangas." Sabi ni mommy at tumango na ako. Lumabas na ako ng gate at sinarado ko agad yun. Paglingon ko ay sumalubong agad sakin ang....



Eagles! 0__0




"Yo' Abigail!" Bati sakin ng eagles at nung ibang babae na hindi ko pa kilala.

"A-ahh... hello.." sabi ko at sumenyas sila na sumakay na ako pero agad naman na bumaba si josh at kinuha agad yung bag ko.

"S-salamat." Sabi ko at tumango nalang siya. Ano problema nun? Bipolar nanaman?!

Sumakay na ako sa loob at dun ako tumabi sa tabi ni josh na sa tabi niya ay bintana at sa kaliwa ko ay si kyrie sumunod si kysier.

"Hi bee.." masayang bati sakin ni kyrie.

"Hi din.." sabi ko at nag hi sakin yung dalawang babae.

"Hi abigail... ako si michelle. Manager ng eagles." Sabi nung magandang babae na 2 years lang ang tanda samin at ang ganda ng ms. manager nila mukhang bata pa.

"Hello po...ate michelle." Sabi ko naman.

"Michelle nalang para hindi ako O.P sa inyo." Sabi niya at natawa kami pareho.

"Hello abby... ako naman si Sam." Sabi nung isa pang maganda. Kaedad lang namin siya. Hindi naman sila mag ka kambal kasi halata namang hindi sila mag kamag anak eh.

"Hello sa inyo...nga pala alam niyo agad pangalan ko? Manghuhula ba kayo?" Naiilang kong tanong sakanila. Syempre para mag kaka close agad kami mukhang mababait naman sila eh.

"Ano ka ba! Sinabi lang samin ni josh at ni kyrie... kaya nakilala ka namin.." paliwanag ni sam at tumango tango naman ako. Iyon pala tsk tsk.

"Ms. manager..." sabi naman ni xevier.

"Oh?" Sagot naman ni ms manager na si michelle.

"Alam mo hindi tayo tao at hindi rin tayo hayop..." Bumabanat si xevier tskk. Baka may gusto kay ms manager.

"Hay nakoo xevier, Lumang banat na yan!" Taray naman ni ms. Manager.

"Ito naman parang bumabanat lang eh..." tampo ni xevier.


Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now