Chapter 10

620 23 0
                                    

Kyrie's POV

1 week later...

Nag ready na ako para sa sarili ko dapat maganda ako bago ako makita ng mga bisita at mga kaibigan ni mommy. Sobrang excited ko ngayon dahil it's my time to shine. Sa resort namin ako mag ce-celebrate sa garden pavilion lang siya. Pero pagkatapos ng party ko, doon kami mag s-stay sa hotel sa Tagaytay dahil nandoon din yung resort. Maghahanap na nga ako ng masusuot ko dahil mamaya dadating na yung mag ma-make up sa'kin.

Nakahanap na rin ako ng masusuot ko. I found the dress that i liked. Ang susuutin ko ay mahabang dress na ditanggal at magiging cocktail dress siya. The color is red and black. That's great i look like a rockstar queen.

"Kyrie!" Sigaw ni mommy sa baba.

"Wait mom, nagbibihis pa ako!"

"Nandito na yung mag ma-make up sa'yo!"

"Paakyatin mo na, Mom."

Nandito na yung dalawang bakla na mag aayos sa akin. Yung isa mag me-make up at yung isa naman mag aayos ng buhok ko.

"Hi! Ako si pepper." Pakilala nung isa.

"Hi. Ako naman si salt." Sabi naman nung isa ang nag aayos ng buhok ko.

"Hello, I'm kyrie." pakilala ko at nginitian ko sila.

"Nice meeting you, birthday girl." Sabay nilang sabi.

"Thank you."

Sinimulan na nila yung pag aayos sakin, hindi nagtagal biglang may nag text sakin.

From: Abigail

Happy birthday, Bff. Malapit na ako sa inyo. Wait for me ah. I have a gift for you. See yah! xoxo.

How sweet naman ng bff ko may gift pa siya sa kin. Makikita na naman niya ang kagandahan ko.

Mga mag 30 minutes din natapos na mag make up sakin yung dalawa. Wow! Ang pretty ko na. Sobrang ganda ko talaga. As always. Curly na pa wave ang buhok ko at light lang ang make up ko.

"Kyrie! Nandito na si, Abby."

"Yes mom, bababa na po ako."

"Thank you sa inyong dalawa." Nakipag beso naman ako sa kanila.

"You're welcome."

Pagkababa ko 'wow' ang nasalubong sa'kin ni Mom at Abby. Oh see, magagandahan sila sakin.

"Your so pretty anak, sobrang ganda mo at ang laki mo na. 18 kana hindi ka na Baby girl ko." Sabi sakin ni mom at niyakap niya ako.

"Mommy naman, ako lang naman Baby girl mo kahit malaki na ako, e. Sayo lang din naman ako nag mana." nag tawanan kami.

"Sige na, maiwan ko muna kayo at may aasikasuhin lang ako."

"Omg, ilaw ba talaga best friend ko? Ang ganda mo sobra. Happy birthday ulit." Bati sakin ni Abby at pumunta na kami sa garden kung saan duon gaganapin debut ko.

"Ang ganda ng resort niyo." ngumiti ako sa kanya.

Maya maya nag datingan na yung mga kaibigan ni mommy at mga kamag-anak namin at si josh nandito narin isa nalang ang wala, si Kysier. Baka na-late lang yun pero malapit na mag simula yung party ko.

Nandito na yung 18 roses ko, 18 gifts at 18 treasures.

"Ang ganda mo naman pamangkin." Bungad sa'kin ni Tita Cely.

"Thank you po tita, enjoy po kayo."

Maya maya nag start na yung program si Mom at Dad yung nagsalita.

Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now