Chapter 5

831 25 3
                                    

Abigail's POV.

5:50 AM.

Nakatingin lang ako sa alarm clock ko nang mag alarm ito. Actually, mas nauna pa ako magising kaysa dito. 'Wala naman din ako magawa at gumawa lang ako nang mga documents na ilalagay ko dito, for projects.

Nakaramdam naman na ako nang gutom kaya inayos ko muna ang sarili ko saka bumaba.

"Oh, anak aga mo, ah." Sabi ni Mama.

"Syempre, Ma. Gusto mo matulog ulit ako?" Pabiro kong sabi kay Mama.

"Ano ka ba, anak? S'yempre nagulat lang ako, kasi bihira ka magising ng maaga."

"Ah, ganon po ba. Ma, kain na po tayo." Gutom na gutom na talaga ko, e.

"O sige, sabay na tayo kumain."

Kadalasan, sabay talaga kami ni Mama kumain. Kami na nga lang ang magkasama sa bahay, maglalayo pa ba kami?

"Anak, bukas uuwi na dito Papa at Kuya mo."

Napairap ako. Paano makakasama ko na naman ang magaling kong kuya. Sabagay, na mi-miss ko na rin siya, lalo na 'yung pagiging over-protective kuya niya sa 'kin.

"Talaga, ma?"

Makikikita ko na ulit sila halos ilang taon ko na hindi ko sila nakita pa. Dahil nung grumaduate si kuya nung college sa Korea siya nag trabaho at si papa sinamahan niya si kuya para samahan siya dun.

Kamusta na kaya sila? Excited na ko. Namiss ko asaran namin ni kuya at kulitan namin ni papa.

"Oo, naman anak su-sunduin natin sila bukas sa airport."

Kakausapin ko na sana si Mama nang may marinig kaming nag-doorbell. Sino 'yung istorbo na 'yon?

"Oh anak, nandyan na ata mga kaibigan mo."

"Baka nga po. Mauna na po ako, Ma. I love you." Hinalikan ko si Mama at nagpaalam na.

Pagkabukas ko nang pinto, nanlaki ang mata ko ng sumalubong sa 'kin 'yung tatlo.

"Good morning, abby!" Sabay sabay nilang sabi.

"Good morning." Sabay niyakap ko si Kyrie. "Wait, nga ano na naman nakain niyo at pumunta pa talaga kayo dito?"

"Wala lang bee, isasabay ka na lang namin pumasok." Sagot ni Kyrie.

"Ah sige. Tara na?" Nginitian ko nalang.

Pansin ko, napapadalas ang pagsabay ng mga 'to sa 'kin pagpasok. Ganon ba talaga nila ako ka-miss?

"Let's go!" Sigaw naman ni Kysier.

Pumasok na kami sa kotse ni Josh. Ang ganda talaga ng kotse ni badboy, naka Chevrolet.

"Kyrie, tabi tayo."

"Sorry, d'yan ka na sa harap. Ako na katabi ni Kyrie." Mayabang talaga 'tong kysier na 'to.

"K." Napairap ako at napadpad ako sa harap na hindi maipinta 'yung mukha ko.

Pinaandar na ni badboy 'yung pinagya-yabang n'yang chevy.

"Bee?"

"Hmm?"

"Sama ka sa min mamaya may treat kami sa'yo!" Omg. Wow may treat sila sa 'kin.

Ah. Oo nga pala yung sinabi sa 'kin nila Josh na babawi sila dahil sa pinost nilang photo ko. Buti naman may pambawi sila sa ginawa nila.

"S-sige!" masigla kong sabi sa kanila.

Habang nasa b'yahe nabingi na ulit kami sa katahimikan. Malapit na din kami.

Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now