Chapter 25

445 18 1
                                    

>>Abigail's Pov<<

Nandito na ako sa bahay namin kahapon pa. 2 araw na ang nakalipas simula nung umamin ako kay josh. Hindi ko akalain na masasabi ko sakanya ang pinaka secreto ko sa lahat at hindi ko inakala na may gusto din siya sakin. Nagka aminan na ang loko at dapat nga wala pa akong balak eh. Hoy wag kayo.....hindi pa naman kami noh?! Syempre dapat hindi biglaan... ano yun easy to get?!

At dahil wala naman kami pasok ngayon dahil i'ts saturday. Wala akong magawa dito sa bahay kung hindi basa lang ng basa ng libro. Hmmm.... ano kaya kung lumabas ako? Hindi diyan lang sa bahay ah! Ibig kong sabihin sa mall. Ayan para malinaw!

Makapag bihis na nga at gusto ko munang mag mall kahit papano. Ayoko namang mag damag lang ako sa kwarto na to!

Mga ilang minuto lang ay agad na akong nakahanda. Ang suot ko lang naman ay skinny jeans at naka long sleeve plain na kulay gray lang at flat shoes. O diba ang simple lang.

"Ma, alis po muna ako." Sabi ko kay mama ng makababa na ako.

"Saan ka naman pupunta anak?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Sa mall lang po... Mamimili lang ng kahit ano.." Sabi ko at natawa naman siya. Why did she laugh?

"Osige na anak mag iingat ka. Gusto mo ba mag pahatid sa driver mo?" Tanong ni mama at umiling naman ako. Ayomo kasi magpahatid gusto ko ako nalang mag drive ng kotse ko.

"Hindi na po ma.  Ako nalang mag di-drive kaya ko naman." Sabi ko at tumango nalang siya. Nag beso naman ako, dapat maging sweet kasi baka mag-bago pa yung isip niya.

Sumakay na ako sa pinaka maganda kong kotse na binigay sakin ni dad at mom nung nag sweet 16 ako last 2 years pa.

Pina-andar ko naman agad yung kotse kong audi na kulay royal blue at hindi ko muna ginamit yung porshe ko.

Mga 20 minutes lang ay agad naman ako nakarating sa mall. Hindi naman gaano ka trapik.

@Kingdom Mall

Ano kaya pwede ko munang bilhin at nandito lang ako lakad ng lakad. Hmm...Alam ko na! Gusto ko munang bumili ng book sa national book store at para iba na rin ang mabasa ko.

Nandito naman na agad ako sa NBS at kasalukuyang nag hahanap ng magandang book na mapapakinabangan. Halos lahat naman magaganda at gusto ko lahat bilhin.

Sa wakas may napili na rin ako. Yes! Eto nalang ang nabili ko ang November 9 ni Coleen Hoover. Ang ganda ng mga stories niya. Baka ganahan pa ako mag-basa nito. Kaya ito nalang ang bibilhin ko. Next time nalang yung iba.

Nabayaran ko na rin ang nabili kong book kaya pupunta muna ako sa Dairy Queen para mag ice cream.

"1 large Cookies and cream..." Nag order na ako at nakuha ko agad yung inorder kong ice cream.

Nag lakad lakad na ako at gusto kong pumunta sa UniQlo para bumili ng bagong damit kahit ang dami kong stock na damit sa bahay.

"Fvck!" Nasabi ko sa naka bunggo ko. Hayy nako hindi kasi tumitingin sa dinadaanan at pinagpagan ko yung damit ko.

"Sorry miss..." Sabi nung lalaki at tinignan ko naman ito.

O.o

"Kendrick?!" Sabi ko sa lalaking nag bunggo sakin. Sa dinami dami pa naman ng makakabunggo sakin ba't yang lalaki pa yan! -__-

"Abigail?" Hindi niya makapaniwalang sabi at tinaasan ko naman to ng kilay.

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." Sabi ko ng pagalit sakanya. At inukutan ng mata bago pa ako makaalis...

Falling Inlove To A Bad Boy (COMPLETED/EDITING)Where stories live. Discover now